"A-Alam mo? P-Pa'no?"
"Anyone can tell, MJ. The problem is, how far that one can go."
"May alam ka ba, Mauldrene?"
"It's not like I'm warning you. I'm just looking after you. I know how far one of them can go. I know that, maybe, one has crossed his limits already and--"
"'Wag mo naman ako takutin," pilit kong tawa, tinatago ang kabang nararamdaman ko. "Kahit ano'ng mangyari, may tiwala pa rin ako sa kanila. Atyaka, hindi naman natin hahayaang mangyari 'yon, 'di ba?"
"Syempre, hindi."
Huminga akong nang malalim sabay dinama ang malamig na hangin. "'Yun naman pala, e. Magpapalit lang ako tapos mag-party tayo sa baba." ngiti ko pa.
"Really? Gusto mo mag-party?"
Tumango ako. "Bakit hindi? Ngayon lang naman."
"That's my girl," ginulo niya ang buhok ko. "We'll wait for you there." tapik niya pa sa balikat ko't sumunod naman ako sa kaniya sa pagpasok pabalik sa loob.
"What's up?" saad ni Jon na ngayo'y nagwawalis.
Hahaha. Marunong pala silang maglinis.
"She wants to party. Let's all meet there after a while." sagot ni Mauldrene habang papalabas na.
"Is that true, MJ?"
"Yes, Tripp. Palit lang ako."
Lalakad na sana ako patungo sa C.R. nang maalala kong wala nga pala akong dalang damit dahil sorpresa itong ginawa nila.
"Wala nga pala akong damit, pa'no ako magpapalit?" maloko kong bulong sa sarili ko't napaupo na lang sa kama.
"Try these," taas ni Jon sa isang pares ng denim shorts at black tube. "It will look good on you."
"Too revealing." komento ni Tripp.
Tumayo ako at kinuha ang napili ni Jon sa mga niregalo sa akin.
Hindi ako nagsusuot ng mga revealing na damit-- hindi dahil sa ayaw ko, pero dahil hindi ako sanay. Ganoon pa man, bukas naman ako sa pagsuot ng mga ganito. Kumbaga, handa akong mag-explore pa.
"Pwede rin naman 'to."
"What about these?" abot ni Tripp sa dress na binigay ni tita Blessy.
"Galing mo mamili, bigay ni tita Blessy 'to." ngiti ko't napangiti rin siya. "Sige, ito na lang. Thank you pa rin, Jon. Next time na lang 'yan."
"No problem."
"As if that 'next time' will happen." rinig kong bulong ni Tripp, pero hindi ko na pinansin at pumasok na lang sa C.R. para makapagpalit na at makapaghilamos.
Hinatid kanina ni Lorena ang mga gamit niyang pang-makeup. Ang sabi niya'y sinabi sa kaniya ni Mauldrene na gusto ko raw mag-party, kaya naisip niyang ihatid itong makeup pouch niya rito sa room ko para daw makapag-retouch ako. Hindi rin siya nagtagal dahil sila ang nag-aasikaso sa mga bisita ko sa baba. Ayos lang din naman sa akin iyon, kaya ko naman ayusan ang sarili kong mag-isa.
"Wow, you're so gorgeous." namamanghang tingin ni Tripp sa akin.
"Yeah..." si Jon pa rin, nakaupo silang dalawa ni Tripp sa maliit na sofa.
"'Wag na kayo masyadong tumingin nang ganiyan-- naiilang ako!"
Totoong naiilang ako sa paraan nang pagtingin nila sa akin. Para kasing hindi nila ako kaibigan sa tingin na iyan, pakiramdam ko ay isa akong artista.
"Tara na." pag-aya ko sa kanila habang tinutupi ang damit na suot ko kanina. Dito ko muna ito itatabi. "Ganiyan na lang ba suot niyo? 'Di na kayo magpapalit o maghihilamos?"
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
Любовные романыWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...