29: Love

10 3 0
                                    

Malungkot man ako, hindi iyon naging excuse para hindi siya paluin sa kalokohan niya.

"Ouch!" daing niya, hawak-hawak ang balikat niyang pinalo ko. "Niloloko lang kita, hahahaha!"

"Nasa'n 'yung sa 'yo? Hindi ka kakain?"

"Nope, kumain na 'ko kanina bago ka dumating."

Nagkibit-balikat lang ako't binuksan na ang noodles para kainin.

Nasa pagkain lang nakatuon ang atensyon ko, hindi ko pinansin si Rysen; nakatingin man siya o hindi wala akong pakealam. Mainit pa ang noodles na ito at paborito ko itong flavor kaya nag-eenjoy ako. Ang sarap din sa feeling nitong mainit na sabaw lalo pa sa malamig na panahon. Nakabukas din ang aircon ni Rysen dito sa sala kaya sobrang lamig talaga.

"Ano'ng gusto mong gawin pagkatapos kumain?" tumayo siya mula sa pagkakaupo sabay pumunta sa kusina. Narinig ko agad ang pagbuhos ng tubig. Iyon ang kinuha niya.

Tama nga ako't pagbalik niya ay may dala-dala siyang tubig. Nilagay niya iyon sa lamesa, habang ako ay deretso pa rin sa pagkain.

"Hahaha!" napatingin ako agad sa kaniya nang bigla siyang tumawa. Hindi naman kami nanonood at hindi rin niya hawak ang phone niya. Kaya sigurado akong ako ang tinatawanan niya. "You were just starving all along, hahahahahaha!"

Walang emosyon kong binitawan ang kutsara sabay sandal sa couch.

"Sorry,"

Nakatulala lang ako, hindi siya pinansin.

"Wait, bakit basang-basa ka kanina? Don't tell me you walked all the way here?" itinaas niya ang paa niya sa couch at iginawi ang katawan papunta sa akin. "Hinatid kita sa bahay niyo an hour ago."

"Inaway ko si Karla. Gusto ko rin umiyak kaya naglakad ako papunta rito habang umuulan. Okay naman, nag-enjoy ako. Gumaan pakiramdam ko." sagot ko para sa ikatatahimik niya at kumain na ulit.

Bumuntong-hininga siya sabay sandal sa couch. Iyong sandal na nakatingala siya sa ceiling. "I hope your eyes have dried. 'Di ko tanggap kapag umiiyak ka. I feel guilty and I'm always eager to hug you like a baby, hahahaha!"

"Ang honest niyo talaga," saad ko kahit pa puno ang bibig ko. Ibinuhos ko na rin ang natitirang sabaw.

"How's Rhian, though? Answer me without crying. Take that as a challenge."

"Nasa shelter siya. 'Di ko pa alam kung saan, tatanong ko na lang si Tripp o kaya si tito Nards. Tatanong ko na rin kung pwedeng bumisita, ayokong ma-feel ni Rhian na inabandona namin siya. Kaya kung pwede, lagi namin siyang pupuntahan. O kaya kahit ako lang."

"I can come with you, just tell me."

Alam ko namang willing silang dalawa ni Tripp na samahan ako. Bahala na.

"Ayoko nang umiyak, Rysen. Magpapakatatag na ulit ako bukas. Ayoko na ring sisihin sarili ko. Gusto kong maging abala ulit sa mga bagay hanggang sa wala na akong ibang maisip kundi 'yung mga bagay na kailangan kong gawin." bumuntong-hininga ako, "Mas nakakapanghina't nakakapagod kapag lagi mong iniisip 'yung mga bagay-bagay."

"Have you forgiven me? Sincerely?"

"Oo, ewan. Hindi ko ma-explain."

Natahimik kaming dalawa. Sa ilang sandali ay natahimik ang paligid namin.

"As long as you're comfortable being with me-- I can comply with whatever you want. If you no longer feel comfortable with me, it's okay."

"Shh, isa ka sa mga taong naging mabuti sa 'kin. Ewan, basta kilala kita. Alam kong 'di mo naman intensyon 'yon. Sobrang loner ka lang talaga siguro kaya gano'n nangyari sayo, 'di mo na-control sarili mo. Kaya 'wag mo na isipin." hinawakan ko siya sa balikat na tila isa akong lalaki. "Mas okay sa 'kin 'yung ganito tayo. That story has ended a long time ago."

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon