"Whoooo! Let's celebrate the first dance of the love birds!"
Rinig kong sigaw ni Jay, tinataas ang isang bote at isang baso ng wine.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano pa ang ire-react ko sa kalokohan ni Jay. Nasasanay na rin kasi ako sa pangloloko niya sa amin ni Tripp. Botong-boto talaga siya sa akin para kay Tripp, kaya nga tuwing isasama ako ni Tripp sa dinner o celebration nila ay may nakahanda na agad siyang regalo para sa akin.
Ganoon pa man, sisiguraduhin kong ito na ang huling pagtanggap ko ng regalo mula sa kaniya. Kahit pa alam kong marami pa rin siyang pera para hindi panghinayangan lahat ng ginagastos niya para sa akin o sa aming dalawa ni Tripp, hindi pa rin tama ito.
"Okay, let's leave them already." saad sa mic ni tita Shey. "I am stealing the spotlight from the love birds to announce something important as to why I invited you here. They are enjoying the company of each other, so let's leave them alone."
Naiwan nga kaming dalawa ni Tripp sa gitna dahil lahat sila ay nagpunta na sa harap kung nasaan si tita Shey. Bilang respeto na rin, sabay kaming naglakad ni Tripp pabalik sa sunken seating area at umupo agad para makinig sa announcement ni tita Shey.
Hindi ko pa nakakausap si tita Shey. Pero nagkaroon kami ng interaction noon at nag-bless ako sa kaniya. Sa tingin ko ay madali siyang makasundo, hindi rin iba ang trato niya sa iba.
"As a woman who invests in real estate, it's always been a dream of mine to endeavor on something that will definitely be a legacy to our family. You all know the struggles I had experienced just to get here, it's no joke." tumango si Tripp ng ilang ulit. "Nevertheless, you wouldn't want to cry a river on this day."
Tinaas ni Tripp ang kamay niya na agad naman napansin ng tita niya, kaya nasa spotlight nanaman kami. "We would gratefully cry a river in exchange of a million."
Nagsi-tawa ang lahat, habang ako ay hindi makasunod sa joke niyang iyon.
"I'll triple it in one condition."
Ngayon ko lang napansin, lahat kaming mga babae rito ay naka-dress. Iyong suot ng mga tita ay parang pang-prom ang dating, habang kaming ng mga pinsan ni Tripp ay naka-simple dress. Ang mga tito niya ay naka-suit, si lolo ay naka-jacket na grey at sila Tripp naman at iba niya ring pinsan ay naka-polo. Ang formal talaga ng dating.
Tumayo si Tripp. "What condition?"
"Court somebody else."
Saglit na natahimik ang lahat, kasunod naman ay ang malakas niyang pagtawa.
Napa-iling na lang si Tripp sabay umupo, mukhang speechless siya sa biro ni tita Shey.
"Just kidding. I like Merry Joyce." nag-wink siya sa akin at ngumiti naman ako. "Okay, Magnus, you have to behave-- hahaha-- anyway, as you all know, Mega City is soon to rise." napuno nang bulungan ang paligid, habang ako ay walang ideyang nagmamasid sa kanila. "Yes, and our land has been the chosen land for it--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa nangunguna at biglaang pagpalakpak ni lolo. Pinuntahan pa niya si tita Shey sa stage para yakapin siya. "Our dad is very proud."
"Yes, I'm proud of you, She! Ikaw talaga asawa ko!"
Hahahaha.
Nakakasilaw tumingin sa kanila. Kitang-kita ko ang saya sa kumikinang nilang mga mata, iyong tipong parang nabigyan sila ulit ng pagkakataon para mabuhay, iyong ganoong saya. Kahit si Tripp, kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Kahit pa ganoon ang lagay ni lolo, kitang-kita talaga ang sincere nilang saya.
Pagkatapos nilang pa-kalmahin lahat si lolo, agad tinuloy ni tita Shey ang speech niya ng katabi si lolo. Hindi rin inaalis ni tita ang pagkakahawak niya sa likod ni lolo habang nagsasalita.

BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...