Skylar's POV
Limang araw na ang nakalipas matapos nung nangyari kay Bes. Pero nung araw rin na yun, hindi lang ang pagbugbog kay Bes gamit ang baseball bat ang nangyari... meron pang iba.
Ikwenento sa amin na Rogelie na nung sinundan niya si Zack, pumunta itong rooftop. Pasalamat daw siya dahil naabutan niya ito dahil nagbabalak daw si Zack na tumalon sa building. Mabuti na lang daw talaga ay napigilan niya. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang nangyayari kay Zack. Kapag tinanong mo naman siya kung anong problema, hindi sumasagot, instead nagwawalk-out siya at makikita mong magpapakamatay.
Ikwenento din ni Daniel na kinabukasan, mga 8:30 am daw, sumilip siya sa bintana at nakita si Zack na nasa gitna ng kalsada at gustong magpabangga. Mabuti na lang at kakilala nina Daniel ang mga kapitbahay nila kaya tinulungan nila si Zack na umalis sa gitna ng kalsada. Nakakatakot na tuloy iwanan niyang si Zack. Kaya kahit sawang-sawa na sila sa pagmumukha ni Zack, hindi nila ito maiwan iwan. Sabi rin nila, kung hindi naman daw maglalaslas, tatalon, at magpapabangga, magpapakagutom naman daw.
Hay naku! Paano maaayos ang problema niya kung hindi niya sasabihin sa amin? Baka sakaling makatulong kami.
Enough na tayo sa topic na yan! Kinikilabutan ako eh. Tungkol naman kay Bes... Matapos yung 'baseball bat bugbog operation', naexpelled yung apat na clown. Buti nga sa kanila! And yes, apat lang, dahil nung nangyari yun, hindi kasama ang half sister ni Bes na si Jessica. Dalawang araw rin si bes na parang wala sa sarili. Malamang natrauma! Sino ba namang hindi matotrauma dun?! Lalo na nung nalaman naming hindi lang baseball bat ang gamit nila...meron ding baril.
Nalaman na rin ang tunay na kwento tungkol sa 'baseball bat bugbog operation'. May nakitang mga butas at bala ng baril ang locker room ng mga babae. Pinaimbestigahan rin yun. Plinano pala talaga ng mga clown na yun na magfireworks sila kahit umaga para hindi masyadong mahalata ang putok ng baril. Hindi naman nila binaril si Bes, pero tinakot nila si Bes at binaril nila ang paligid niya. Iniiwasan nga namin ngayon na manood ng mga action movies lalo na yung may mga barilan!
Nung umaga na umuwi kami galing sa sari-sarili naming bahay dahil dumating nga yung parents namin, nakabasag ng pinggan si Kyla. Matapos nun, nagpanic na si Bes. Nagtakip siya ng dalawang tenga habang patuloy na sinasabi ang salitang 'stop'. Umiyak rin siya nun. Sinubukan namin siyang ikalma pero maski kami nagpanic na rin. Pinasugod na namin kay Ryan si Lola pero kahit si Lola, walang magawa. Hindi namin alam kung anong gagawin namin. Saka nung mga oras na yun, hindi pa namin alam na may involve pala na baril sa nangyari sa kanya. Pati si tita tinawagan namin kaso hindi talaga makausap ng ayos si Bes.
Nagbakasakali kami na baka makatulong sina Ivan kaya tinawagan na rin namin sila. Pumunta silang lahat, syempre pati si Zack. Hindi naman nila pwedeng iwan ang isang yun. Nagulat nga kami dahil si Ivan lang ang nakapagpakalma sa kanya. Si Ivan lang ang kinausap niya. Si Ivan lang.
Anyway, ayos na naman si Bes ngayon. Back to normal na ang lahat. Nagbabangayan na ulit sila ni Ivan pero di tulad ng dati na miya't miya. Paminsan-minsan na lang ngayon.
Nasa bahay lang kami. First day ng sembreak ngayon at iniintay namin na dumating sina Kevin. Dito sila sa bahay magi-istay buong sembreak. Pinayagan kami ni Lola! YEHEEEEEEEEEEEY!!!! Saya ko diba? Pero natatakot din ako kasi baka habang natutulog kami, patayin kami ni Zack. Ewan ko ba! Natakot na ako ng tuluyan kay Zack eh.
Nanonood ako ngayon sa HBO ng 'Mission Impossible' kasama si Kyla. Si Rogelie at Bes naman, nagluluto. At syempre si Ryan naman, nasa kusina din... nag-iintay ng free taste -_____-
Alexa's POV
BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Подростковая литература"Kahit anong mangyari?" "Kahit anong mangyari."