Chapter 38 - Explanation

75 6 0
                                        

Ivan's POV



"Rogelie, itong rice cooker na lang kaya ang ihayin natin? Para bawas sa hugasin saka baka magpabalik-balik lang tayo sa pagkuha ng kanin. Ayos lang ba sa inyo? Ganun kasi ginagawa namin" pagsasuggest ko.



"Oo nga no... sige. Para mabawasan ang hugasin ko mamaya. Kyla, kumuha ka pa nga ng apat na baso sa taas na cabinet" sabi ni Rogelie.



Naghahayin na kami ngayon para sa pagkain namin ng hapunan.



"Okie" sabi naman ni Kyla saka sinunod yung sinabi ni Rogelie.



"Tulungan na kita" pagprepresinta ni Daniel at sumunod na siya kay Kyla.



Excited na talaga akong kumain! Ang sarap ng ulam eh... inihaw na tilapia! Ang mas nagpasarap pa ay yung kamatis, bawang at sibuyas na inilagay sa loob ng isda! Grabe naaamoy ko na yung iniihaw! Amoy usok! Hahahahahahaha



"Excuse! Excuse! Dadaan ang gwapong may dalang isda" sigaw ni Kevin habang may dala-dalang inihaw na tilapia. "Oh ayan! Pwede na tayong kumain!"



"Tinawag na ba sina Alexa at Zack?" tanong ko



"Kanina ko pa tinawag." sabi ni Rogelie



"Baka hindi naintindihan" sabi ni Kevin



"Tawagin ko na lang ulit." sabi ko sabay lakad paalis ng kusina.



Nasa may hagdanan na ako nang may narinig akong nasigaw.



"TULONG!!!! GUYS TULONG!!!! GUUUUUYS!!!!!!!!!" Alexa? Alam kong si Alexa yung sumisigaw! Nagmadali na akong umakyat ng hagdan. Bigla tuloy akong kinabahan. Para bang may nangyari nanamang masama. Baka may nangyari nanaman kay Zack. Ano ba talaga kasing problema ng taong yun?! Hindi ba niya alam na araw-araw kaming natatakot at kinakabahan na baka isang araw makita na lang namin ang katawan niya na nakabulagta sa isang sulok at walang malay?!



Nakarating ako sa second floor at nakitang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Rogelie kung saan kami matutulog ni Zack. Tumakbo ako kaagad dun at

pumasok.



"Oh sh*t" napamura na lang ako sa nakita ko.



"IVAN! IVAN, TULUNGAN MO KO! TULONG, IVAN!" tumakbo naman ako agad palapit sa kanilang dalawa at tinulungan si Alexa na iangat si Zack.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon