Alexa's POV
"Ang boringgggggggggggg" tamad na reklamo ni Skylar.
Tunay yun. Ang boring talaga! Nandito kami ngayon sa mini garden. Wala kaming magawa.Ilang araw narin sina Ivan dito kaya halos lahat ng movies napanood na namin. Halos lahat ng larong alam namin, nalaro na namin. Nung isang araw nga naglaro kami ng tumbang preso sa kalsada. Muntik pa nga ako mabangga eh -_____- Nalibot na rin namin ang buong village. Naglaro kami sa playground kaya halos lahat ng bata dun, kaclose na namin. Napagtripan pa nga nina Kevin si manong na nagtitinda ng fishball! Jusko wala na talagang magawa!
"I feel you, girl!" pagsang-ayon ni Kyla sa sinabi ni Skylar.
"Tarang magbasketball!" suggestion naman ni Zack.
"Tirik na tirik ang araw, magbabasketball?!" sarkastikong sabi ni Daniel.
"Oo nga! Saka baka nandun nanaman yung mga unggoy kaya wag na lang!" Wow! Makapagsalita itong si Ivan kala siya hindi unggoy! At nga pala, may nakaaway rin ang mga ito kahapon sa basketball court ng village. Kesyo mayayabang daw. Psh. Parang sila hindi ah?
"Nakakatamaaaaaad~" reklamo ni Ryan. "Anong pwedeng gawin?"
Nag-isip naman ako ng pwedeng gawin. Boring naman kapag nanood ng tv. Baka makatulog lang kami. Sayang pa sa kuryente. Kapag naman outdoor games at mga paggagala, mainit naman kaya dapat indoor lang. Ano bang ginagawa namin dito sa bahay?
"Guys!" bigla na lang may pumasok sa isip ko. Natinginan sila sa akin. "Jackstone tayo! BWHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
***********
"Oy talsik mantika!!! Back to one ka, luko! HAHAHAHAHAHAHAHA" sinigawan ni Kevin si Zack. Napahilamos naman siya ng mukha gamit ang kamay niya. Hahaha inis na yan! Kanina pa talsik ng talsik eh, kaya nasa one parin siya hhahahahahaha XDDD
"Ayoko na nga niyan! Nayayamot na ako!" sigaw ni Zack. Hahaha ayan na! Nainis na!
"Wag ka naman basag trip, tol! Bahagya na akong makaalis sa level three oh!" reklamo ni Daniel. Mas naeenjoy pa ng mga lalaki ang larong to kahit talunan sila eh!
"Huh! Mga bulok kayo! Ako nga level five na eh!" pagmamayabang naman ni Ivan. Napasapo na lang ako sa noo habang pinipigilan yung tawa ko. Parang mga bata ang mga to walanjo!
