Alexa's POV
"Sigurado ka bang kaya mo?" tanong ko kay Skylar.
Magsisimula na ang Volleyball game namin kaso itong si Skylar umiiyak dahil dun sa nangyari kanina. Sabi ko wag muna siyang maglaro pero sabi niya gusto niya daw. Anla ang gulo!
"Oo nga! Maglalaro ako." sagot niya sa tanong ko kanina.
"O sige basta pag hindi mo kinaya, ipapabangko na kita ha" tumango lang siya bilang sagot.
*Prrrrrrrrrrrrrt* (pito ng referee)
Pumito na ang referee kaya pumunta na kami sa court. Nagtoss coin. Sila ang unang magseserve. At nagapir na kami dun sa mga kalaban. Nang matapos yung mga ginagawang ganun sa una, pumwesto na kami at nagready.
Normal lang ang nanyayari....
para sa iba. Pero samin na magkakaibigan.... hindi. Bakit? Dahil kalaban lang naman namin ngayon sina Jessica. Kailangan namin matalo sila para naman makaganti kami sa ginawa niya kay Skylar. Hindi kami pwedeng matalo.
Nagserve na sila ng bola. Lumiban ng net. May nagreceive at tuloy- tuloy na.
Nagchange court at naghahabulan na ang score.
*prrrrt*
Pito ng referee bilang sign na pwede nang iserve ng kalaban ang bola. Lumiban naman ito.
"Mine mine mine!" sigaw ko at tinira yung bola. Nagtuloy-tuloy nanaman.
Si Skylar naman parang ayos lang. Ganun parin ang spike niya. Parang wala lang pagbabago.
Nakita kong ispispike nung kalaban ang bola kaya pumwesto ako at yung isa kong kaklase para iblock yun. Kaso...
"AHHH" sigaw ni Skylar nung ilumusot ang bola at natamaan siya.
"Skylar!" sigaw nung mga nanonood naming kaklase. Tumakbo naman ako agad papunta sa kanya.
