Alexa's POV
Nandito ako ngayon sa garden, uwian na kasi. Nagtataka lang ako... ano kayang trip ni Ryan at parang naging magkaibigan pa sila nung unggoy na si Ivan? Kasi tingnan niyo ha, binugbog na siya't lahat, walang epekto sa kanya! Siguro wala nang may gustong makipagkaibigan sa kanya kaya si Ivan na lang ang kinaibigan! Bwahahahahaha XD
Back to reality tayo...
Like what I've said earlier, nandito ako sa garden kasi uwian na. Iniintay ko lang dito yung apat. Si Skylar nagutom kaya ayun... pumuntang canteen kasama si Rogelie. Si Kyla, pinatawag ni Ms. De Ocampo (yung adviser namin). At si Ryan naman, aba! malay ko kung saang lupalop na nakarating yung taong yun!
After 194521821973 years....WALA PARIN SILA! Ilang metro na kaya ang nalakad nung si Ryan at wala parin! Si Kyla naman, baka nakipag- inuman na kay Ms. De Ocampo sa Faculty! At yung dalawa naman, gaano na kaya sila kataba sa sobrang tagal nilang kumain! Baka naman buong canteen kinain na nila!
"Tss. Mamoy talaga yung dalawa!" Yan! Inaatake nanaman ako ng kalokahan ko. Nagsasalita ako mag-isa
"ANONG MAMOY HA?!"
"AY! ANAK NG PORK AND BEANS NAMAN OH-OH!" Bigla na lang kasing may sumigawa sa likod ko! Walanjo aatakihin ako sa puso nito eh!
"SINONG TINUTUKOY MO HA?!" Wow! Nagpractice?
"KAMI BA SINASABIHAN MONG MAMOY?!" - Skylar
"Oo. Ay! Hindi hindi!!! Ano bang sinasabi mong mamoy? Ang sabi ko 'maamoy'" pangangatwiran ko. Whahahaha!!!
Sinamaan lang nila ako ng tingin at hindi na ulit nagsalita. Naupo naman sila sa tabi ko at dinamayan akong maghintay.
After 5 minutes...
"Grabe! After 10 years, 7 months, 3 weeks, 4 days, 8 hours, 5 minutes, and 27 seconds... WALA PARIN SILA!" pagrereklamo ni Skylar. OA nito!
"Hiya naman ako sa tagal ng hinintay mo! Mas nauna pa ako sayo dito!"
"Ehh... ang tagal tagal naman kasi! Nasaan na ba yung mga yun?"
"Aba ewan ko! Bakit sa akin mo tinatanong? Tanungin mo yang si Rogelie baka alam" Dinamay ko si Rogelie kasi ang tahimik. Sa totoo lang, ang gulo ng babaeng yan! Minsan sobrang tahimik, minsan sobrang daldal na kulang na lang ipakain ko sa kanya yung microphone!
Tumingin lang si Skylar kay Rogelie na nakatingin pala sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/12618171-288-k949471.jpg)