Chapter 27 - Galit na! Lagot ka!
Daniel's POV
Pabalik ako ngayon ng classroom. Pano ba naman! Nakalimutan ko dun yung libro ko. May long quiz pa man din kami dun sa monday. Lagot na kung hindi makapag-aral, terror ang teacher.
Nakuha ko na yung libro ko sa classroom at pabalik na ako ng gate dahil nag-iintay na dun ang mga mokong.
Yan nanaman. Principal's office nanaman. Haaaaaaay. Medyo lumayo layo na ako sa may pinto dahil baka bigla na lang ulit bumukas at lumipad nanaman ako!
At katulad nga ng sabi ko...
May lumabas nanaman. Sino? Si Rogelie.
Anong ginagawa naman kaya nito dun? Kung si Alexa dahil sa pagtakbo daw ng torch, si Skylar dahil dun sa muse at nalate ng labas dahil sa bracelet, ano naman ang kanya?
1.Di nakakuha ng quiz dahil inexcuse kanina?
2.Nagpaalam dahil magsosolo na lang ng project kesa by group dahil hindi natulong ang mga kagrupo?
3.Magpapaturo dahil hindi naintindihan ang lesson?
4.Magpapasa ng project?
5.Pinatawag dahil sa marami nang nalelate at naabsent na nakasulat sa attendance sa klase namin kaya kelangan nang tawagin ang mga ito para magcommunity service?
Sa totoo lang lagi ko na lang siyang nakikitang nanggagaling sa principal's office. At marami siyang reasons! Kaya siguro normal na alng yun. PERO! Tatanungin ko pa rin. BWHAHAHAHAH
"Oh Rogelie! Bakit di ka pa umuuwi?"
"Ah... may ginawa lang akong importante."
"Ano?"
"Nagpasa ng attendance folder."
"Ahh..." Di ko na alam kung ano pang isasagot ko eh. Ewan ko ba! Siguro kasi lagi na alng siyang nandun. Baka nga dun na siya nakatira eh!
Anla! Hayaan na nga!
********
YEEEEEEEEEEEEEEY!!!!!!!!!!!! IT'S SATURDAY! Walang pasok! Pero may pupuntahan ako. Hulaan niyo~
