Ivan's POV
Natapos ang recess, klase, lunch, klase ulit, uwian, meryenda, hanggang sa nakauwi na ako, hindi parin ako mapakali kasi iniisip ko parin yung Ryan Santos na yun! Hindi ko alam pero parang kilala ko siya. Parang pamilyar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya dati. Parang narinig ko na rin yung boses niya pero di ko alam kung kailan. Parang... Ay ewan! Di kaya artista yun? O baka naman singer? O host? O news reporter? Ehh baka naman camera man? whahhah BAKA NGA CAMERA MAN!
Balik tayo sa katinuan. Nandito ako sa kwarto ko. Nagdarasal. Nagdarasal na sana hindi malaman ni Mama or ni Papa na nang bugbog ako... kasi kung magkakataon, goodbye earth na to! TT^TT
Pero kesa matakot ako dito at halos mawalan na ng hininga sa sobrang kaba, hinanap ko na lang yung album ko sa cabinet kung saan nakalagay yung mga class pictures ko. Nung makita ko na yung album, agad kong hinanap dun yung class picture ko nung grade 1 and 2.
Habang seryoso akong naghahanap ng picture, bigla namang bumukas yung pinto at iniluwa ang magaling kong nakababatang kapatid na si Frances. Di marunong kumatok? Kapatid ko si Frances... na kung maniwala kayo o sa hindi, kaklase ko siya -______- Paano nangyari yun? Kasi isang taon lang ang pagitan namin. Para mas maintindihan, ako nagprep, siya hindi. Matapos niyang magkinder, diretsong grade 1 na. Kaya kaklase ko siya simula grade 1- 6 pero nung naghighschool na, nag- iba kami ng school kaya hindi kami magkaklase.
At ayun nga yung kapatid ko nakatayo sa may pintuan at iniaabot sa akin yung cellphone niya.
"Sino?" tanong ko
"Mama"
"Bakit daw?"
"Bugbog"
"Paano niya nalaman?"
"Kung kausapin mo kaya! Hindi yung itatanong mo nang itatanong sakin! Malay ko ba dyan!" sabi niya sabay bigay sa akin ng cellphone niya.
"Hello Ma?"
[Anak!!!! Ano ba tong sinasabi ng principal niyo na nangbugbog ka daw??? Totoo ba to?]
"Opo Ma. Totoo po"
[Anak naman. Bakit mo ginawa yun? Dapat pinagpasensyahan mo na lang. Ano ba ginawa sayo nung binugbog mo raw?]
"Wala po"
[O'sya sige. Hayaan na lang natin! Past is past! Basta wag mo nang uulitin yun, okay? Kapag inulit mo pa, AY NAKUUUU IVAN CASTILLO! MAGTAGO KA NA!!!!]
"Opo. Sorry po."

BINABASA MO ANG
Enemies to Lovers
Ficção Adolescente"Kahit anong mangyari?" "Kahit anong mangyari."