Ivan's POV
Nang malaman ko na nawawala si Alexa at pati na rin ang Ashley na yun, sumugod na agad ako sa bahay nila. Wala na akong pakielam kung nakasando at pajama lang ako. Basta kailangan ko na makarating agad kina Alexa.
Nang makaratiing ako sa kanila, sinalubong agad nila ako. Nagpapanic na rin sila kagaya ko.
Walanjo naman kasi! Saan ba pupunta ang dalawang yon?! Langya baka saan dinala ni Ashley si Alexa! Baka kung ano nang nangyari sa kanila! Hindi ko pa naman pinagkakatiwalaan ang siraulong Ashley na yun! Baka kung ano nang ginawang masama nun kay Alexa!
"Ano? May balita na ba?" tanong ko. Sakto naman na kakababa lang ni Rogelie ng telepono.
"Hindi rin daw alam ni Lola." sabi ni Rogelie.
"Si tita?"
"Hindi namin macontact kanina pa." sabi ni Kyla
"Si Ashley ba sinubukan niyo nang tawagan? Alamin niyo kung magkasama sila! Kingina baka mapatay ko yan!"
"Hindi rin namin siya macontact. Si Alexa naman, nalaman namin na iniwan yung cellphone sa kwarto niya. Hindi na namin alam kung saan siya hahanapin! *sobs* Pati mga teachers at kaklase namin tinawagan na namin eh! Jusko paano ba to?!" Naiyak na sabi naman ni Skylar.
Natahimik kami sandali pero nagsalita ulit ako. "Si tito? Si Jessica?" napatingin silang lahat sakin pero kumilos naman agad si Rogelie papunta sa telepono. Ilang sandali siyang nandoon.
"Hello?... Si Rogelie po to, tito... Itatanong ko lang po sana kung nandiyan po si Alexa? Alam ko pong imposible na pumunta sa inyo pero nagbabakasali lang po... Ah okay po. Wala po ba kayong alam na pwede niyang puntahan?... E si Jessica po kaya?... Ah sige po, tito. Salamat po." nakatingin lang kaming lahat sa kanya. Tumingin siya samin at umiling lang.
"GUYS!!!!" nabaling naman ang atensyon namin kay Ryan na nagmamadaing bumaba ng hagdan.
"Oh! Dahan-dahan! Pagnadulas ka diyan eh!" sabi pa ni Skylar.
"Guys! Whoo! May nakita ako na nakapatong sa side table ni Alexa!" tahimik lang kami at inaantay kung ano ang susunod niyang sasabihin. Pero imbes na magsalita siya, may iniabot siya sa amin na papel. "Tingnan niyo."
Kinuha ko yung papel na iniaabot niya at tinignan kung anong nakasulat dito.
Tomorrow. 7:30 am. In front of the big clock near the entrance. Watch what happens.
========
Yoooow! Hehe very short update! Puro revelation na ata sa susunod na chapter? Hahaha salamat sa pagbabasa!
