Kyla's POV
Nandito na kami sa bahay. Kanina pa kami nakauwi galing school at kanina ko pa din napapansin tong si Ryan. Ano ba nangyari dito? Mapupunit na yung labi sa kakangiti! Hindi naman masamang magreserve para bukas diba?
Nanonood lang kami ng TV nang bigla siyang tumayo.
"Uy! San punta?" - ako
"Sa kwarto" Aba matindi! Nakangiti pa rin! Pwede na tong panglaban sa World records!
"Ahhh... Sige! Ingat sa pag-akyat sa hagdan!"
"Hahaha! Sige! Kayo din!" Kelan ba to titigil sa kakangiti?!?!?!
Pumunta na nga siya sa kwarto niya, samantalang kaming apat... nanood lang ulit ng TV habang nagawa ng assignments. Ang daming assignments!!! Ang sakit na ng ulo ko!!!
"Alexa!" - Rogelie
"Oh?" - Alexa
"Paturo nga sa math! Di ko maintindihan! Ang daming formula!"
"Sige. Wait lang tapusin ko lang to"
"Ako rin paturo!" - ako
"Wait nga lang!!!"
Tinuruan kami ni Alexa sa math. Nung natapos namin ang mga assignments nagpatuloy lang kami sa panonood.
Nanonood ako ng Olympus has fallen. Grabe! Ang ganda pala nito! Simula pa lang barilan na!
Habang mas lalo akong naeexcite sa mga nagyayari sa pinapanood ko...
...Bigla na lang nila inilipat -_____-
Inilipat ni Skylar sa Meteor Garden.
"Hoy! Ibalik mo sa Olympus has fallen!!! Malapit na matapos!!!! Dali!!! Maiiligtas na yung President!!!" - ako
"Mamaya na! Nawalan na ng memory si Dao Ming Si!" - Skylar
"Hoy ilipat niyo nga sa 7! Mischievous Kiss na!" - Alexa
"Mamaya na kayo! Olympus has fallen muna!" - ako
"Ehhhhhhhhhhh!!! Mischievous Kiss!" - Alexa
Inaagaw namin ni Alexa yung remote kay Skylar! Eh kasi naman! Nanonood ako tapos biglang ililipat! Bastos eh! Dinadambahan na namin ngayon si Skylar -____-
