Alexa's POV
"BES!!!"
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!" nagising na lang ako at napabalikwas sa biglang pagsigaw ni Skylar.
Walanjo! Agang-aga nasigaw! Maawa naman!
"GISING NA! MAY PUPUNTAHAN TAYO! BILISAN MO NA MALIGO DALI! GO GO GO!!!" bigla niya akong hinigit sa pagkakahiga ko at tinulak-tulak papuntang cr. ABA! PAG AKO NAPAUBOB SA INIDORO, MAIUUNTOG KO ULO NITO!
"ANG INGAY MO!!! INAANTOK PA AKO!"
"GUMISING KA NA! MALIGO NA! GO NAAAAA!!"
"Ano ba bes- *pak*" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil sinampal niya ako sabay tulak ng malakas papalapit sa cr. Makapanampal wagas eh!
"Maligo ka na! Sige na! Dalian mo ah! Bilis bilis!" at tuluyan na nga niya akong itinulak sa loob ng cr at inihagis na lang basta sa akin yung towel.
Ano ba talagang nakain nito at nagkaganito?!
"Go na bes" sabi pa niya
Pumasok ako sa loob ng cr. Naupo sa takip ng bowl saka itinuloy ang tulog ko.
Inaantok pa talaga ako.
"BEEEEEES!!!!! WAG KA NA MATULOG DIYAN!!! MALIGO KA NA!!!" kinalampag pa niya yung pinto.
"Opo eto na po!... Manang."
"Anong sabi mo?!"
"Inang! Sabi ko, Inang! May ipis kasi rito!"
"Ahh okay. Good."
"Anong good don?!"
"Wala lang"
Binuksan ko nga yung pinto at hinagisan nung plastic na ipis sabay sara. Narinig ko naman yung tili niya at pagkalampag ng pinto. Tsk! Duwag naman pala
Di ko na lang siya pinansin at naligo na lang.
Matapos kong maligo at magbihis, lumabas na agad ako ng kwarto.
Nung naisara ko na yung pinto, napatingin ako sa pinto ko.
Hala ano to?! May nagdikit sa pinto ko! Sinong salarin?!
Inis kong tinanggal ang papel na nakadikit sa pinto ko. Sinabi ko nang walang magdidikit ng kahit ano sa pinto ko eh!!! Jusko nakakabeastmode!
