Chapter 40 - Jamming

57 3 0
                                    

Alexa's POV



"GISING MGA KUMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!!!!!! *PANG PANG PANG*" sigaw ko sabay pukpok nung sandok sa kawali. Napaupo naman silang dalawa na bakas sa mukha ang pagkainis. Tumingin si Kevin sa cellphone niya na nakalagay sa lamesa sa tabi niya.



"WHAT THE HELL?!" tiningnan naman niya ako ng masama "6 AM?!"



"ANO?! 6 AM?! BAHALA KAYO DIYAN MATUTULOG ULIT AKO!!!" sigaw ni Daniel. Nahiga naman ulit siya at nagtalukbong ng kumot.



*PANG PANG PANG*



Napatayo naman ulit si Daniel sa pagkakahiga niya.



"Dapat 6 am pa lang gising na. House rules men, house rules. Kayo na lang kaya ang tulog. Kaya tumayo na kayo diyan at maligo na. Luto na ang breakfast."

nginitian ko lang sila na parang nang-aasar saka lumabas sa kwarto.



Dumiretso ako sa dinning room saka naupo sa usual kong upuan. Di pa kami kumakain. Isa pa kasing rule dito, dapat sabay-sabay kaming kakain. Hinintay namin sina Kevin at Daniel habang nagkwekwentuhan ng mga kung anu-

anong bagay.



"Nga pala, bakit ka dun sa sofa natulog?" tanong ni Rogelie kay Ivan. Malamang naabutan ni Rogelie si Ivan sa sofa. Ang aga kaya magising ni Rogelie! 5 o'clock pa lang gising na yan.



"Ah gawa ni Zack! Ang lakas maghilik eh" tumango tango lang si Rogelie.

Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Umiyak nanaman ako sa harap ni Ivan. BWISIT YAN! DAPAT HINDI SIYA YUNG PINAGLALABASAN KO NG SAMA NG LOOB EH! Nakakainis! Nakakainis talaga! Bakit kasi mas nadadalian akong sa kanya sabihin ang mga problema ko?! ARGHHHH!!! Pero ayos na rin yun. Atleast nailabas ko lahat ng sama ng loob ko kagabi, kaya iba iba na ngayon. Haaaaaaaaaaaaay kung hindi ko lang talaga siya worst enemy... siguro nafall na ako.



...



...



...








Pero syempre joke lang yun! Asa naman siya no! SIPAIN KO SIYA PAPUNTANG IBANG UNIVERSE EH!


Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon