Ivan's POV
"Ivan Castillo." tawag sakin nung teacher namin. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa unahan para kuhanin ang test paper ko. "Congratulations, Mr. Castillo." kinuha ko ang test paper ko at tumalikod para bumalik sa upuan ko.
Tinignan ko agad ang score ko. "WHOO YEAH!!!" napasuntok na lang ako sa hangin dahil sa nakita ko.
"Pre anong score mo?" tanong ni Kevin nung makaupo na ulit ako.
"Perfect pre! Perfeeeeeeeeeect!!!! Nakikita mo ba to ha?!" tinuro-turo ko pa sa pagmumukha niya yung score ko. "Perfect oh!!! Tulad ko! Perfect!"
"Ulol nangopya ka lang eh!"
"Hoy hindi ako nangopya! Pinaghirapan ko to! Ito ang dahilan ng mga eyebags na to!" pinakita ko pa yung mata ko sa kanya.
"Alam mo ikaw Ivan, para kang si Kuya Kim! Mapanuri, mapamatyag, mapangahas, matanglawin! Tsk. Tsk."
"Dami mong alam! Manahimik ka na lang palibhasa bagsak ka eh!"
"Pasang-awa kaya ako!"
"HAHAHAHA Bulok mo!"
Natahimik kami ni Kevin nang magsalita si Alexa sa tabi ko. "I-I failed?" Nakapako sa test paper ang tingin niya. Lumapit ako para makita ang score...
"14/100. Sus pwede pa y- WAIT ANO?!" napatitig ako kay Alexa na sobrang pula na ng mukha ngayon. "Diba lagi kang perfect o kaya naman ay one mistake sa tests kahit hindi ka nag-aaral? A-anong nangyari?"
"H-hindi ko din alam..."
Ilang minuto pa rin siyang tahimik at nakatitig lang sa test paper niya pero maya-maya ay bigla na lang siyang humawak sa braso ko ng mahigpit.
"Alexa? H-huy anong nangyayari sayo?" naramdaman ko ang biglang pagbilis ng paghinga niya. Tumungo siya at natakluban ng buhok niya ang mukha niya kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Sinubukan kong hawiin ang buhok niya pero pinigilan niya ako.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Tumunghay siya at napatingin sakin. Nagblink siya ng dalawang beses tapos ay tinitigan lang ako. Napakunot ang noo ko.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo? Dadalhin na ba kita sa hospital? Ano? Sabihin mo lang." pero nakatitig parin siya at walang reaction. Kinabahan ako. Anong gagawin ko?
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Nagtayuan ang mga kaklase ko at nagsilabasan na sa classroom.
Agad agad siyang tumayo at inayos ang mga gamit niya.
