Chapter 25- Detective Daniel
Kevin's POV
"Selos ka? Bakit? Kayo ba?" sabi ko
"Kung makapagsalita! Hagisan kita diyan ng tinidor eh. You want?!" sabi naman ni Ivan. I'm just saying the truth here! INOSENTE PO AKO!
"Bakit? Sinasabi ko lang ang totoo" - ako
"Truth hurts, Kuya. Truth hurts" tatango-tangong sabi nitong si Frances. Yeah! Buti nga sayo Ivan! Napagsabihan ka tuloy ng magaling mong kapatid! Bwahahahaha
"Oh! Kapatid mo na ang nagsabi niyan ha!" - ako
"Ano nga bang nagustuhan mo kay Alexa? Kasi siya, ayaw niya sayo eh" - Zack. Sobrang straight to the point naman tong isa! Puro love love love na lang pinag-uusapan dito sa harap ng mesa! Lagi na lang! Nawala na nga yung topic tungkol kay Tetsuya! Kainis! Dun pa naman ako nang-aasar!
"Para namang may gusto sa inyo yung mga gusto niyo ah!" - Ivan
"Aba! Mahal ako ng taong mahal ko" - Frances
"Ako rin kaya!" - ako. Buti nalang talaga mahal din ako ni Skylar. Nakakabakla naman tong topic na to eh!
"Sige na! Kayo na!" - Daniel. Luh? Inggit siguro! Whahahaha
Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Nagmamahal pa pala yang taong yan?
"Nagmamahal ka?"
"Sino?"
"May puso ka pala? Ngayon ko lang nalaman -___-"
"Tingnan mo nga naman! Nakahanap na ng lalaking para sa kanya" - ako
"Sige lang! Ganyanan tayo ha" - Daniel
"Joke lang syempre yun XD" - ako. Takot ko lang diyan noh! Nagkakarate yan! Baka mahati pa ako sa dalawa -___-
