Epilogue

94 6 2
                                        

Ivan's POV


"T-Teka! Ano?" sabi ni Kevin.


"B-Bes! Hindi maganda biro y-yan ah..." -Skylar


"Insan naman oh! W-Walang ganyanan!" -Ryan


"H-Hindi mo kami k-kilala?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "A-Alexa, ako to... S-Si I-Ivan..." hinawakan ko ang magkabilang braso niya. Tinitigan ko lang siya sa mata. Naramdaman ko na rin ang pagtulo ng mga luha ko. Shet lang! Nagmistulang gripo nanaman ang mga mata ko. "A-Ako to. Si I-Ivan. Boyfriend mo a-ako. M-Mahal mo ako diba?" nanginginig ang buong katawan ko. Nanghihina na ako. Feeling ko nauubosan ako ng hangin at hindi na makahinga. "M-Mahal mo ako e-eh... Kahit anong m-mangyari diba? D-Diba?"


Hindi siya sumagot at tumingin lang kay Ashley.


"Shit, Alexa!" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at muling iniharap sa akin. "S-Sabihin mo sakin na n-naaalala mo ako. Sabihin mo na h-hinding-hindi mo ako m-makakalimutan. Sabihin mo na..na.. na m-mahal mo ako. Sabi mo k-kasi mahal mo ako eh... K-kahit anong mangyari diba? A-Alexa, please... w-wag mo namang gawin sakin to. Alexa p-please..." pero tumingin lang ulit siya kay Ashley at mukhang naguguluhan na. Kingina ang sakit. Sobrang sakit! "ALEXA!!!"


"Ivan, tama na." rinig kong sabi sa akin ni Skylar.


Napatungo na lang ako. Binitawan ko ang mukha niya habang nanginginig ang kamay ko. Sa sobrang hina ko ay napaupo na lang ako sa sahig. Pinigilan kong umiyak pero ayaw makisama ng mata ko.


Ang sakit pala talagang umasa no? Hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari. Akala ko, kapag bumalik na siya, babalik na rin sa dati ang lahat. Akala ko magiging masaya na ulit kami. Akala ko magkakasama na ulit kami at tutuparin na namin nang magkasama ang mga panagarap namin. Akala ko lang pala yun.


Naramdaman ko ang pagluhod niya sa tapat ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi concern siya sakin o masasaktan dahil kaya lang naman siya concern ay dahil hindi niya ako kilala. Mas lalo akong naiyak dahil sa naisip ko. Bakit kailangang maging ganto?


Naramdaman ko na hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Iniangat niya ang mukha ko, pero hindi ko siya matingnan.


"Ivan..." tawag niya sa pangalan ko. Aw. Tinawag niya lang ako pero parang kinurot na yung puso ko. "Ivan, look at me." wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Unti-unti kong iniangat ang tingin ko sa kanya.Nang makita ko ang mukha niya, nagulat ako kasi nakangiti siya.Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang thumb niya. Para akong nakukuryente sa bawat hawak niya. 


Matapos niyang punasan ang mga luha ko ay tinignan niya ulit ako sa mata at nginitian ulit. "Naaalala kita. Hinding-hindi kita makakalimutan. Mahal na mahal na mahal kaya kita." may tumulong luha sa mata niya pero nanatili parin ang ngiti sa mga labi niya. "Mahal na mahal kita, Ivan... Kahit anong mangyari."


Nagsimula nanamang bumuhos ng mga luha ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Ang gulo na. Hinigit ko siya at ikinulong sa mga braso ko. Niyakap ko siya na parang bang hindi ko na siya papakawalan kahit kelan. "A-Akala ko... a-akala ko talaga... s-shit. I love you, Alexa. I love you. I love you. Don't do that again. Don't you ever." napabuntong hininga ako. "You scared me... y-you-"


"Shhh..." pagpuputol niya sa sinasabi ko. "It's okay. It's okay. I love you, too, Ivan. Stop crying." humiwalay siya sa pagkakayakap. Diretsyo lang ang tingin niya sa mata ko. "I love you."


Nginitian niya ako at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti din. Nakatingin ako sa mata niya hanggang sa bumaba sa labi niya ang tingin ko. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Dumanggil na ang noo ko sa noo niya. Nagkadikit ang ilong namin at naramdaman ko na rin na nagbrush na ang lower lip niya at upper lip ko nang biglang...


"EHEM EHEM!!!!"


"WOOOOY GET A ROOM!"


"NAKAGAT NA AKO NG LANGGAM GRABE!"


"USO SPACE!"


Lumayo naman kami ni Alexa sa isa't isa. Napakamot ako sa batok ko. "Badtrip naman oh" bulong ko pero narinig ni Alexa dahil napatingin siya sa akin at tumawa ng mahina. Ibinaling ko ang atensyon ko sa iba. "Nakakainis naman tong mga to! Moment na namin to oh! Moment namin! NAMIN!!!! HINDI INYO!!! Tss! Hindi pa pinagbigyan eh!" mga nagsitawanan naman sila. Nakakabadtrip!


Ibinalik ko ang tingin ko kay Alexa. Nagulat ako kasi bigla na lang niya akong hinalikan. Isang mabilis na halik lang. Ang bilis ng pangyayari. Basta ang alam ko lang sobrang bilis na nang kabog ng dibdib ko. Nakatingin siya sa akin at nakangiti ng sobrang lawak. Napangiti na lang rin ako na para bang mapupunit na labi ko.


"I love you, beyb."


"Hahaha I love you, too, unggoy."


"Kahit anong mangyari?"


"Kahit anong mangyari."


♥END♥


Author's note:

YOOOOOW!!! TAPOS NA SIYAAAA!!!

Maraming maraming salamat po sa pagbabasa. Nawa'y nagustuhan niyo ang storyang ito na talagang nagsimula lang sa trip trip. Sa totoo lang, nung sinimulan ko to, wala talaga siyang plot kaya hindi ganun kaayos ang flow ng story. Dapat nga idedelete ko na to kaya lang sayang hahaha nanghinayang ako e xD

So ayun! Maraming salamat po ulit sa pagbabasa! Sobra kong naappreciate yung mga reads kahit hindi naman talaga siya ganun kadami hahaha bawat vote niyo, sobrang saya ko na. Kasi atleast alam kong may nagbabasa. Hindi sayang yung magtatype ko dito kahit na sobrang tamad na tamad na ako.

Sana ay meron kayong natutunan xD Kung meron ngang matututunan dito. Jusko kayo na bahalang maghanap! 

Sorry din kung di kayo satisfied sa ending. Pasensya na T^T Di naman ako ganun kagaling. Trip ko lang talaga yan T^T Libangan kumbaga. 

Okay chance ko na to. Kung may Kathniel fan diyan na nagbabasa o kaya kahit hindi kathniel fan, meron po akong on going story na bago. "The End's Beginning" ang title. Kathniel fanfic. Kung gusto niyo tingnan, nasa external link. O kaya naman punta kayo sa profile ko. Nandun lang yun sa mga works. Kung may oras kayo, libreng libre basahin HAHAHA

BASTA MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAAAAT!!! 'Til next time hahaha



Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon