Chapter 55 - After 5 years...

70 3 0
                                    

Ivan's POV


"Guys ano na?" tanong ni Kyla kina Ryan na ngayon ay nasa harap ng laptop.


"Wala pa rin eh. Active 5 years ago pa din." sabi ni Frances.


It's been five years. Five years na ang lumipas matapos siyang umalis. Matapos naming malaman na may brain cancer siya. At limang taon na rin ang nakakalipas at hindi pa rin siya nagpaparamdam.


Oo, masakit. Kasi limang taon kong hindi nakakausap ang babaeng pinakamamahal ko. HIndi ko rin siya nakikita kahit aksidente lang. Tanging sa picture at mga alaala ko lang siya nakikita. Minsan kapag naggagala kami, lahat ng taong lumalampas sa akin at dinaraanan ako, siya yung nakikita ko. Di ko alam kung namimiss ko lang siya o nababaliw na ako.


Sinubukan ko siyang hanapin. Pumunta ako sa kung saan saan, pero hindi ko siya makita. Pati sa mama niya sa US ay pumunta rin ako, pero mukhang itinatago nila si Alexa sa akin. Siguro mahirap talagang hanapin ang taong nagtatago.


Nasasaktan ako at hindi ko alam kung anong makapagpapawala ng sakit na to. Sinubukan kong gawin yung sinabi niya. Sinubukan kong magmove- on. Sinubukan kong maghanap ng iba. Sinubukan kong kalimutan siya. Sinubukan kong hindi na siya mahalin.


Pero hindi ko magawa.


Hindi naman sa hindi ko na siya mahal kaya ko nagawa yun, pero sobrang sakit. Kahit anong comforting words pa ang sabihin nila sa akin, di parin mawala. Oo na! OA na ako. Mababaw na ako. Pero masisisi niyo ba ako? Masakit kaya! Para kang pinupukpok ng martilyo sa may dibdib na parang hindi ka na makahinga. At ngayon, matapos ang lahat, umaasa pa rin ako. Maaaring sabihin ng iba na 'wag ka na umasa, masasaktan ka lang.', pero para sa akin, hindi lahat ng umaasa, nasasaktan.


Naniniwala akong babalik siya. Matapos kong maging wasted, naalala ko lahat. Lalong lalo na yung promise niya. At sinabi ko sa sarili ko na, 'wag kang tanga. Alam mong babalik siya.' Matapos nun ay inayos ko na ang sarili ko. Nagsumikap ako para makapagtapos ng pag-aaral. Sa ngayon, ako ang naghahandle ng business namin. Itinatak ko sa isip ko at isinaksak sa puso ko na, kapag bumalik na si Alexa, kapag gumaling na siya at balik na sa normal ang lahat, dapat maayos pa rin ako. Dapat maging proud siya sa narating ko. Dapat maganda na ang buhay ko. Para naman hindi siya madisappoint at para rin worth it lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa pakikipaglaban niya sa sakit niya.


"MGA TSONG!!!!!!" napatingin naman kaming lahat kay Kevin na bigla na lang napatayo sa pagkakahiga niya sa sofa ng bahay nina Alexa. "MAY BALITA! NAGTWEET SI ASHLEY!"


Lumapit kaming lahat sa kanya. "Anong sabi?" tanong ni Rogelie.


"Sabi niya, 'Arrival.'" sabi ni Kevin.


"Arrival? Anong arrival? Saan siya nag-arrive?" tanong ni Daniel.


"Baka dun." sabi ni Zack sabay turo sa lupa. Nabatukan naman agad siya ni Rogelie.


Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon