Ivan's POV
"Alexa!!! Alexa buksan mo tong pinto!" Sigaw ko mula dito sa labas ng kwarto niya. Ayaw niya parin buksan. Ano ba talagang nangyayari?! "Alexa, parang awa mo na, buksan mo tong pinto! Kapag hindi mo pa to binuksan, sisirain ko na to!" Hinampas-hampas ko na yung pinto niya pero hindi niya parin binubuksan.
"Ivan, p-please... leave me alone. Gusto ko lang mapag-isa. Please..." rinig na rinig ko pa rin ang mga hikbi niya. Umiiyak siya at hindi ko man lang magawang punasan ang mga luha niya. Ako ang nasasaktan dahil sa pag-iyak niya e.
"Anong nangyari? Bakit naiyak si Alexa? Anong sinabi mo?" rinig kong sabi ni Rogelie mula sa baba. "Anong sinabi mo?!" biglang kumulo ang dugo ko.
Hindi ko na namalayan na nakarating na agad ako dito sa living room nila. Nakita ko si Ashley na nagdirediretsyo sa kwarto na tutulugan niya.
"Nasaan ang susi?" matigas na sabi ko.
"B-baki-" - Rogelie
"NASAAN?!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sobra akong nagagalit ngayon at hindi ko alam kung ano ang kaya kong magawa sa kanila ngayon kung sasagarin nila ako.
Tumakbo paalis si Kyla at bumalik na dala-dala ang susi. Hindi na ako nagdalawang-isip na buksan ang kwarto ni Ashley. Agad akong pumasok at nagtama ang kamao ko at ang mukha niya.
Natumba siya sa sahig dahil sa suntok ko. Susuntukin ko ulit sana siya nang hilahin na ako ng iba. Pinipigilan nila akong sumugod ulit kaya nagwawala ako dito para makawala sa kanila.
"BITAWAN NIYO NGA AKO!!!" pero hindi nila ako pinapansin. "IKAW! P*TANG*NA MO! WALA KANG KARAPATAN PARA PAIYAKIN ANG GIRLFRIEND KO! ANO BANG GINAWA NIYA SAYO PARA PAIYAKIN SIYA HA?! KINGINA KAKAKILALA KO PA LANG SAYO TAPOS GANTO NA AGAD GAGAWIN MO! AYOS AYUSIN MO MO YANG SARILI MO KUNG AYAW MONG MAKATIKIM NANAMAN NG SUNTOK GALING SAKIN! ANO BANG SINABI MO NA NAGING DAHILAN NG PAG-IYAK NIYA HA?! KUNG ALAM MO LANG, AKO ANG NASASAKTAN PARA SA KANYA! AYAW KO SIYANG NAKIKITANG GANYAN KAYA KUNG PWEDE LANG MAGTINO KA KUNG AYAW MONG PURUHAN NA KITANG SIRAULO KA!!!"
"Pre! Kumalma ka nga! Sinabi ko lang sa kanya ang totoo, okay?!"
"ANONG TOTOO?!?!? KINGINA MO ANONG TOTOO?!" pero hindi na siya sumagot. " HOY TINATANONG KITA! ANONG TOTOO ANG SINASABI MO?!"
"Ivan, tama na."
"Wag na kayo mag-away, please lang!"
"Naiyak na nga si Alexa sa taas tapos mag-aaway pa kayo?!"
"Relax ka lang, bro."
"RELAX?! SA TINGIN MO BA MAKAKAPAGRELAX PA AKO SA LAGAY NA TO?! NAGKULONG SI ALEXA DOON SA KWARTO NIYA HABANG NAIYAK! NAIYAK DAHIL SA SINABI NG SIRAULONG TO NA TOTOO DAW! SA TINGIN MO BA PALALAMPASIN KO TO?! HINDI KO NGA MAGAWANG PAIYAKIN SI ALEXA TAPOS SIYA PAPAIYAKIN NIYA LANG BASTA?!"
