Chapter 29 - 1st game

80 4 0
                                        

Alexa's POV

Hay sa wakas!!! Salamat naman at hindi kami nalate! Eh kasi naman tong si Skylar eh... ang tagal! Bakit kasi hindi pa nila napapag-usapan ni Kevin yun.

"Bakit ngayon lang kayo? Skylar, halika na" sabi ni Ms. De Ocpampo nung sinalubong niya kami. "And girls, go to your espective places now." dagdag pa niya.

So, katulad ng sinabi niya, pumunta na ako sa pwesto ko. Dun ako sa likod ni Skylar at katapat si Ivan. Yes, him again -____-

Habang nakatayo lang dun, napansin kong hindi man lang nagbatian ang lovebirds na sina Skylar at Kevin. Anong nangyayari? Bakit hindi sila nagpapansinnan? Bakit??? Okay, medyo OA.

So, imbes na nakatayo lang dun doing nothing... kinausap ko na lang si Skylar. Kaso parang wala sa mood makipag-usap. Kaya eto nanaman ako.... loner. Kaya si Kevin na lang kinausap ko.

"Pssssst!" sutsot ko kay Kevin. Tumingin naman siya. "Nag-away kayo?" sabay nguso ko kay Skylar na dinadaldal ni Kyla.

Nagkibit balikat lang siya. Anong klaseng sagot yan? KUNG HAMPASIN KO KAYA TO NG 3 INCHES HEELS NI SKYLAR, UNA YUNG PATUSOK! Shete ang tinong kausap nito

"Sasagot ka ng maayos o itutulak kita sa canal na yan?!" pananakot ko

"Ewan ko sa kanya" Aba talaga nga naman!

"Aba! Umayos ka nga! Sinong may gawa?"

"Siya"

"Anong ginawa niya?"

"Hindi niya sinagot yung 'I love you' ko" parang nahihiyang sagot niya. Wow! Just wow! Tama lang sakanya ang sagot na pokerface. Tsk. Tsk. Grabe naman to! Hindi lang nasagot yun tapos ganyan na? Unbelievable!

"You know what? If Skylar cries because of you, dahil hindi mo siya kinakausap o pinapansin man lang, ito tatandaan mo... She's my bestfriend, break her heart.... I'll break your face" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Taray" sabat naman ng unggoy na to

"Ano?! Eepal ka nanaman! Wala ka bang ibang alam?"  sabi ko kay Ivan slash Unggoy

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon