Chapter 39 - Midnight

73 7 0
                                        

Ivan's POV



Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa lakas maghilik nitong si Zack! Walanjo hindi ako makatulog eh! Kulang nalang lagyan ko ng ipit ang ilong niya para hindi na siya makahinga!



Himilik nanaman siya. Jusko naman!!! Tumayo na lang ako at lumabas ng kwarto na may dalang unan at kumot. Bahala siya mag-isa diyan! Sa living room na lang ako matutulog.



Pumunta ako sa sofa at inilagay dun yung unan na dala ko. Mahihiga na sana ako nang makita kong bukas yung glass door nila papunta sa mini garden.

Lumabas naman ako para tingnan kung may tao. Baka kasi nalooban na pala kami, wala kaming kaalam-alam!



May nakita akong nakaupo lang sa bermuda.Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Napansin naman niya ako kaya bigla siyang napapunas ng luha.



"Bakit ka umiiyak?!" tanong ko



"Ha? Hindi ah! Napuwing lang ako."



"Wushuuu!!! Sakin ka pa talaga nagsinungaling ha"



"Bakit ka ba kasi nandito? Bakit gising ka pa?"



"Ikaw nga dapat tinatanong ko eh. Bakit gising ka pa?"



"Ako unang nagtanong"



"Ako unang.. ano.. ako unang nag ano..." napabuntong hininga lang ako at napakamot sa batok "Ang lakas maghilik ni Zack eh. Di ako makatulog. Oh ikaw naman! Bakit gising ka pa?"



Nakibit balikat lang siya.



"Eh bakit umiiyak ka kanina? May problema ba?"



"Hindi nga ako umiiyak! Napuwing lang. Umalis ka na nga dito! Iniistorbo mo ang pag--"



"Pag-iyak mo?"



"Pag-iisip ko. Hindi nga ako umiiyak! Umalis ka na nga dito! Ayaw kong makita ang mala unggoy mong pagmumukha!"



"Alam mo Alexa, sabihin mo na lang na nagwagwapuhan ka sa akin. Hindi mo na kailangang magdeny!"

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon