Skylar's POV
Ilang linggo na rin ang nakalipas at isang linggo na rin kaming balik sa school. Tambak nanaman ang mga assignments at projects. Wala nang katapusan eh! Tapos fieldtrip na rin namin bukas. Biglaan nga yung pagkakasabi sa amin dahil sa sobrang dami ng iniisip at inaasikaso ni Ms. De Ocampo, yung adviser namin, nakalimutan na. Buti na lang talaga at nagpadala agad yung mommy ni Alexa kaya bayad na kami. Kaso nagkautang pa kami sa mommy ni Alexa. Haaaay.
Speaking of Alexa... parang wala siya sa sarili niya. Lunch na kaya magkakasama nanaman kaming sampu sa iisang table. And as usual, nakaheadphones nanaman si Alexa. Kanina ko pa rin napapansin na parang namumutla siya kaya tinanong ko na.
Kinulbit ko siya kaya tinanggal niya yung headphones sa tenga niya. "Alexa, namumutla ka. Okay ka lang ba?"
"Uhh... nahihilo lang ako." mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.
"Puyat ako kagabi eh... ganda kasi nung korean novela hehe"
Nagtataka na talaga ako. Bakit parang lanta siya? Parang siyang tinatamad na ewan.
Napansin din siguro ni Ivan kaya inilapat niya yung palad niya sa noo ni Alexa. Magkatabi sila eh. "Oh may sinat ka!"
"Ha?" tumayo ako ng konti para maabot ko si Alexa sa tapat ko. "May sinat ka nga. Tatawagan ko na yung driver para makauwi ka na at makapagpahinga." kukuhanin ko na sana yung cellphone ko nang nagsalita siya.
"Wag na. Ayos lang ako."
"Baka mabinat ka. Mas lalo ka magkakasakit niyan" pag-aalala ni Ivan.
"Sinabing wag na nga. Ano bang kulit ng lahi mo?" mahina pero parang naiinis na sabi niya. Hinayaan na lang namin siya. Hindi naman sa wala kaming pakielam sa kanya, kundi dahil ayaw niya. Kung pipilitin namin siya, wala ring mangyayari dahil hindi naman yan papayag. Baka bugbugin lang kami niyan. Yan gusto niya eh...
**********
Fieldtrip na!!! Waaaaah naeexcite ako! Para namang hindi nakakalabas ng bahay no?
Papasok na kami ngayon sa bus. Katabi ko si Kevin kasi sabi ng adviser namin, kung sino yung katabi namin sa classroom, siya na lang rin yung katabi namin dito sa bus.
Si Alexa nga pala, ayun! Tuluyang nabinat. Ang kulit kasi eh! Pero kahit may sakit siya, sumama pa rin siya dito sa fiedtrip. Sayang daw kasi yung ibinayad niya. Ang kulit kulit nga! Kanila naman yung school kaya pwedeng imove na lang kaso ayaw talaga eh.
