Chapter 52 - Prom

76 4 0
                                        

Ivan's POV


"Ano? Gwapo na ba ako, Ma?" tanong ko sa nanay ko.


"Anak, palagi ka naman gwapo! Mana ka ata sa napakaganda mong ina." Sabi ni mama sa kabila ng screen sabay flip hair pa.


Nakita ko na dumaan si papa sa likod ni mama. "What the heck are you talking about? He did not get that kind of face from you. Sakin kamo nagmana 'yan!" Kausap ko ngayon ang mga magulang ko sa skype. Nakabihis na ako para sa prom at kailangan ko na lang sunduin mamaya si Alexa.


"At anong kalokohan naman 'yang sinasabi mo? Di hamak na sakin nagmana 'yan! Kung sayo nagmana yang anak natin, mukhang unggoy siguro yan!" sabi ni mama. Unggoy. Bakit ganun? Parang namiss ko atang tinatawag ako ni Alexa na unggoy. Sabagay, dun naman halos nagsimula ang lahat eh.


"Ma, kung unggoy ako, isang napakagwapong ungoy ko naman!"


"Anak, ilang beses ba kita pagsasabihan na wag sumasali sa usapan ng matatanda?" at ayan nanaman po ang bunganga ng aking dakilang ina. "Hindi mo ba alam na masama yun? Kung ganyan ka nang ganyan, baka maturn-off sayo si Alexa. Gusto mo ba yun ha? Diba hindi naman! Kaya kung ako sayo, ayusin mo yung mga ugali mo na hindi kagandahan. Sayang si Alexa eh! Gustong-gusto ko pa naman siya para sayo. Maganda, matalino, mabait, palaban, matapang, di agad agad sumusuko. Yung astigin ba? Under ka nga eh."


"What? Under ka?! HAHAHAHAHA You're so weak, son! HAHAHAHA"


"Oo nga. Kagaya mo. Yan ang namana niya sayo."


"Don't be ridiculous. That is so not true."


"Ano? Aangal ka?"


"A-ah n-no. I'm just j-joking, Ha-ha"


"HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHA YOU'RE SO WEAK, PA! HAHAHAHAHAHAHHAAHAHAHA" At yun na ang pagkakataon ko para makabawi sa ama ko.


Nagring yung phone ko kaya napatigil ako sa pagtawa.


Beyb calling...


Basa ko sa caller ID. Sinagot ko agad ito.


"Hey, beyb"


[Anong beyb?! Yuck!!! Dami mong alam, unggoy ka!]


"Hahaha joke lang. Ano? Bihis ka na?"


[Magbibihis pa lang. Kakatapos ko lang make-upan. Si Skylar kasi eh! Kung anu-anong ginawa sa buhok ko! Pinaulit ko tuloy sa kanya. Ikaw? Papunta ka na ba?]

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon