Kevin's POV
"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw sakin ni Ivan
"Matutulog na" sagot ko naman
"Hindi mo tatapusin tong movie?"
"Wag na! Ang boring! Ge tulog na ako" sabi ko sabay tuloy sa pag-akyat sa hagdan papuntang kwarto ko.
Waaaaaaaaah nakakatamad pero nakakaexcite! Ang gulo ba? Sorry na! Intrams na kasi bukas, at eto ako.... tinatamad dahil sa pinapanood nilang movie na puro drama! Birthday kasi ngayon ni Inay Tess (yung nanay-nanayan namin slash kasambahay) at yun ang inirequest niya. Hindi ko nga alam kung bakit tinutuloy pa nila yung panonood, eh tulog nanaman yung may birthday sa sala -______-
So eto ako ngayon... nakatingin sa salamin.
Ang gwapo ko talaga! Tsk. Tsk. Nakakainlove! Pogi problems nga naman! Sa sobrang kagwapuhan ko, pati ako naiinlove sa sarili ko.
Pero syempre joke lang yun! Loyal ako kay Skylar noh!
At dahil wala na naman akong gagawin, nag-ayos na ako ng pangtulog.
Nang makapag-ayos na ako, napatingin nanaman ako sa salamin.
Ano ba yan! Ang gwapo talaga! Naisip ko tuloy bigla na magpicture. Eh kung natripan ko eh! Pinicturan ko yung sarili ko sa salamin. At dahil natripan ko ulit, sinend ko kay Skylar yung picture.
Maya-maya, biglang tumunog yung phone ko. From Skylar. Picture din na may message na 'Goodnight ♥'. Nakapangtulog na rin siya. Ang cute cute niyaaaaaaaaaaaaa XD
Magrereply pa lang sana ako pero biglang may kumatok sa may pinto. Pinuntahan ko naman yun at pinagbuksan ng pinto.
"Kevin!" pangbungad sakin ni Daniel "Tulungan mo ako magbuhat kay Nay Tess..."
"Kaya mo na yan!" sabi ko sabay sara ng pinto. Bahala siya diyan!
Pahiga na sana ako nang tumunog nanaman ang phone ko. From Skylar ulit. Picture niya nakapout na may messgae na 'Asan goodnight ko?'. Nga pala! Magrereply pa ako sa kanya. Pero imbes na magtext na lang ako, tinawagan ko na lang siya.
Nakaka isang ring pa lang sinagot na niya.
"Asan goodnight ko ha?" sabi niya agad.
"Eto na nga. Goodnight! Sweet dreams! Dream of me ^__^" sabi ko gamit ang sweet na boses.
"Hahaha ang cuteeeeeeeeeeee!!! Sige. Goodnight na rin"
"Yun lang?"
"Sweete dreams"