Chapter 31 - Group hug

53 5 0
                                    

Ivan's POV

 

 

"Tara na sa canteen. Gutom na ako" sabi ni Rogelie. Magkakasama kaming lahat ngayon pero hindi namin alam kung saan kami papunta. At dahil sinabi na rin naman ni Rogelie na gutom na siya, pumunta na lang kami sa canteen.

Tahimik na naupo ang lahat sa isang mahabang table habang kinakain yung mga binili naming pagkain. Simula pa kanina, walang nagsasalita. Walang nagpapansinan. Para bang naging awkward ang lahat pero hindi namin alam kung bakit. Well, siguro ako hindi ko alam pero sila... para silang mga zombie na naglalakad kanina. May nabunggo pa nga si Kevin kaya natapunan ng chocolate drink ang damit. Tsk. Tsk. Di kasi natingin sa dinadaan eh!

"Anong gagawin natin pagkatapos nito?" tanong ni Ryan na bumasag sa walang katapusang katahimikan

"Wala pa ba tayong laro?" sunod na tanong naman Kyla pero kay Ryan lang siya nakatingin

"Wala pa. Mamaya pa" sagot ni Daniel sa tanong ni Kyla

"Ikaw ba tinatanong ko?!" Halos pasigaw na sabi ni Kyla kay Daniel. Teka... bakit niya sinigawan ng ganun si Daniel? Nag-away ba sila?

"S-sorry" sabi ni Daniel

"Sorry sorry ka diyan! Sorryhin mo mukha mo! Inis--"

 

 

"Hey! Hey! Sandali nga!" pagputol ni Alexa sa sinasabi ni Kyla. "Ano ba? Can't you see? Nakain tayo. Kaya please lang, kung mag-aaway kayo, wag dito. At teka nga, bakit ka ba bigla na lang nasigaw ha? At ang matindi pa niyan, si Daniel. Sinisigawan mo si Daniel?! Ano bang problema mo? Noong isang araw ka pa ganyan! You're like, you're having your monthly period or something"

 

 

"Alexa!" pagsuway naman ni Rogelie sa kanya na ikinatawa naman namin "Ikaw na ang may sabi na nasa harap tayo ng pagkain oh! Wag ka namang ganyan!" sabi ni rogelie sabay turo sa pinggan niya na may ketchup.

"Pffffft---- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!!" sabay-sabay na tawa namin. Pero syempre except kay Kyla, Daniel, Skylar at Kevin. Napatigil na lang kami sa kakatawa nung napansin namin yung apat.

"Skylar..." tawag ni Kevin kay Skylar. Pero dahl sa pagtawag na iyon, parang naging awkward na ulit ang lahat. At parang nakapagpabago ng mood ni Alexa. From natatawa to naiinis.

 

"Skylar, pansinin mo naman ako oh" sabi niya ulit. "Parang awa mo na... patawarin mo na ako. Sorry na. Hindi ko naman talaga siya karelasyon o kung ano man. Please maniwala ka sakin. Please."

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon