Chapter 35 - Where'd she go?

77 3 0
                                        

Alexa's POV

 

Isang araw na ang lumipas matapos yung eksena sa office pero hindi parin talaga maalis sa isipan ko ang nangyari. Yung inis na hindi ko naramdaman nung araw na yun, ngayon ko nararamdaman. Sa tuwing makikita ko siya, gustong gusto ko na siyang sapakin sa mukha! Nakakainis! ARGHHHHH!!!! Kinuha niya ang first kiss ko!! First kiss yun! First kiss na pinapangarap ko na makukuha ko sa araw ng kasal ko! Tapos eto siya. Kinuha lang ng basta!

Ako naman, parang shunga! bakit ko pa kasi hinamon?! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH T.T

"Hoy Alexa! Ano ba?!" natauhan naman ako dahil sinigawan na ako ni Skylar. Nandito kami sa may hagdan, nakatambay. Kaming dalawa lang.

"Ano?"

 

 

"Kanina ka pa tulala diyan. Anong iniisip mo ha?"

 

 

"Wala."

 

 

"Eh bakit parang problemado na naiinis ka diyan?"

 

 

"Wala."

 

 

"Anong wala? Halata kayang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba? Sabihin mo lang, baka matulungan kita. Nung isang araw ka pa ganyan.Nag-aalala na ako sayo" nagdadalawang isip pa ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Madaldal yan, alam ko. Pero bestfriend ko siya. Anong gagawin ko?! Nakakainis kasi! Bakit pa niya ginawa yun!

Si Angel ang may kasalanan ng lahat ng to eh! Kung hindi niya inaway si Rogelie, hindi siya mahuhulog sa pool. HIndi ko siya susubukang sagipin. Hindi kami mababasa. Hindi kami pupunta sa office! AT HINDI KAMI MAGKIKISS!!!!

"Kasi.... gawa nung... ANLA WAG NA!" nayayamot na ako ng sobra! Nakakainis talagaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!

"Ano nga?!?!?!!? Ikaw ha! Naglilihim ka na sakin! Bestfriend mo ba talaga ako? Nakakahurt ka na ha" pagpapacute niya at kunyari nasasaktan habang nakahawak sa may puso niya

"Eh kasi si Ivan!!!" hindi ko talaga siya matiis saka siguro dapat ilabas ko na talaga to para naman gumaan ang pakiramdam ko kahit konti.

"Omg. Ano? Bakit? Kayo na?! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!"

 

 

"Hindi! Tumigil ka nga!" paghampas ko sa kanya dahil nagwawala na siya.

"Eh ano? Niligawan ka na niya? Nagtapat na siya? Ha?"

 

 

"Sige hindi ko na ikwekwento." nangunguna siya eh. Di wag. Ayaw niya makinig.

"Anlaaaa.. Sige na kwento mo na. Makikinig ako."

 

 

"Kasi nga nung isang araw... nung nalunod kami ni Rogelie..." tumigil muna ako dahil hindi ko alam kung itutuloy ko ba o ano. Nahihilamos ko tuloy yung kamay ko sa mukha ko! "*sigh* Diba pumunta kami sa office kasi magshoshower kami---"

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon