Chapter 46 - Banat pa

70 5 0
                                        

Alexa's POV


*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*


"Okay, we'll continue the discussion next meeting. Class dismiss." sabi ng history teacher namin.


Haaaaaaaaaay! Salamat naman at tapos na ang history! Puro sina Magellan, Lapu-lapu at Legazpi nanaman ang pinag-aaralan eh. Paulit-ulit na simula 1st year. Kaya minsan, sobrang nakakatamad na.


Tapos ko na ayusin ang mga gamit ko at iniintay na lang sina Skylar para makapaglunch na kami. Nun ko lang rin napansin na wala sina Ivan. Asan kaya ang mga unggoy na yun?


Nang matapos na ang lahat, lumabas na kami ng classroom. Agad namang bumungad samin ang pagmumukha nina Ivan.


Inaabutan nanaman niya ako ng rose.


Inaraw-araw na niya eh! Tapos araw-araw, ibang kulay ng rose. Hindi na nga magkasya sa flower vase sa bahay sa sobrang dami!


Kada umaga, susunduin niya ako. Sa hapon naman, ihahatid niya ako. Minsan ililibre niya ako ng pagkain. Minsan naman yayayain niya ako maggala o kaya magbasketball. Basta ang dami niyang trip sa buhay at idinadamay niya pa ako!


Kinuha ko yung rose at nginitian siya.


"Si Legazpi ka ba?" eto nanaman tayo sa pick-up lines niya. Araw- araw din yan may baon na banat. Yung iba, SOBRANG CORNY, pero yung iba... uhmm... nakakakilig naman.


"Bakit?"


"Nagtagumpay ka kasi sa pananakop sa puso ko. *wink*" inirapan ko siya. Medyo kinilig ako... pero medyo lang no! Corny pa rin siya kahit anong mangyari! Leche siya. -___________- may pakindat kindat pang nalalaman! Yuck!


"Si Magellan ka ba?" tanong ko. Kung siya, araw-araw may baon, ako rin no! Yung banat na pangbara nga lang BWHAHAHAHAHA


"Bakit?" excited na tanong niya.


"Ako si Lapu-lapu... papatayin kita." sabay ngiti ko ng creepy. Haha yung parang kina annabelle ba? Tapos with matching galaw pa ng kamay na para bang may hawak na kutsilyo na mananaksak! HAHAHAHA XDDD


"Omg gurl! Kenekeleg eke! Enebe eng swet me telege seken, Alexa!" pagbabakla-baklaan niya. Aba may topak ata ang lalaking to!


Medyo lumayo ako sa kanya habang nakatingin na parang naweiweirduhan sa mga pinagsasasabi niya. May sapi ata! Hala baka lumipat sakin yung masamang espiritu!!!! De joke lang hahaha


"Edi wow! Tumigil ka na nga diyan! Para kang sira! Kumain na nga tayo at ako'y gutom na." nauna na akong maglakad sabay sabing... "Libre ko lunch nating sampu. Huehue :3"


"Naks! Anong meron at mangllibre ka?" sabi naman ni Skylar.


Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon