Chapter 21 - Eye contact na waley XD

103 3 0
                                        

Kyla's POV

  

Nakakaloka ang  mga nangyayari, Jusko!!! Una, nalaman naming may gusto pala si Ryan kay Frances tapos naging sila tapos nag 'i love you' si Kevin kay Skylar na may kasama pang kiss tapos yung sweetness nila over over na! as in umaapaw na! tapos sina Alexa at Ivan, away parin ng away tapos si Rogelie parang baliw na laging kinakausap ang sarili tapos ako... eto parang adik na nakatulala -____- Puro tapos ang sinasabi ko -___-

  

Ah basta ang daming nangyayari! Pero ang lovelife ko... NGANGA! Siguro halata namang may natitipuhan akong lalaki... Nah! Basta alam niyo na kung sino yun! hehe XD Shhh lang kayo ha.

  

Katulad ng sabi ko kanina, nakatulala lang ako dito sa kwarto ko. Walang pasok kaya wala akong magawa. Anla! Makapag peysbuk na nga lang!

 Kinuha ko ang laptop ko sa study table, bumalik sa kama, at saka binuksan.

 Grabe ang tagal mag-open -___-

  

After 129553197315342 years... natapos din! Ay hindi pa pala -___- May password pa -___- Itinype ko yung password at nag-intay nanaman ako ng 5857634281926 years!

  

Edi ayan na nga! Nagbukas na! Nag-open agad ako ng bagong window... pero bago ko pa mabuksan ang facebook ko...

 "KYLA!!!!! *BOG BOG BOG* KYLA LUMABAS KA DIYAN!!!! *BOG BOG BOG* BILISAN MO!!!! KYLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!" Masisira na  yung pinto ko sa babaeng ito!

  

"KYLAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!" sigaw pa niya ulit kaya binuksan ko na ang pinto.

  

"Ano ba, Alexa? Sisirain mo na yung pinto ko!"

  

"Punta tayo sa park. Halika na dali!!!" hihigitin pa lang niya ako nang iniiwas ko ang kamay ko.

  

"Bakit tayo pupunta sa park?"

  

"Susundan natin sina Ryan, Frances, Skylar at Kevin" sabi niya na pataas baba pa ang kilay.

  

"Oh? Ano na Alexa? Kyla? Tara na!!!" biglang sulpot naman tong si Rogelie

  

"O'sige sige! Game ako diyan tara na!"

 Kumaripas na kami ng takbo papuntang garahe para magpahatid sa park. Wala nang palit palit ng damit! Ayos naman tong damit ko. Sosyal nga eh.

 ********

  

"Ano nang ginagawa nila?" - Alexa

"Wait! Hindi ko makita! Nakaharang yung isang babae!" - Rogelie

"Tabi nga diyan! Ako na ang titingin!" - ako

"Oh sige! Ikaw na! Ikaw na!" - Rogelie

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon