Rogelie's POV
Patuloy lang kami sa panonood nang biglang may nagdoorbell. Sabay-sabay pa kaming lumingon sa may pintuan. Ang galing haha
"Ako na" pagprepresenta ni Alexa para buksan yung pinto. Kaya naman tumayo na siya at nagtungo sa pinto habang kami, patuloy lang sa panonood.
"Zaaaaaack~" pagtawag ko sa kanya kaya lumingon naman siya. "Paabot nung cookies hehe" iniabot naman niya sakin.
"Parang ang tagal naman ata ni Alexa sa may pinto." sabi ni Ivan kaya nakuha niya yung atensyon namin.
"Oo nga no..." nag-isip-isip pa si Skylar. "HALA! BAKA KINIDNAP NA!!!" nagkatitigan kaming lahat at sabay sabay na napabalikwas sa mga upuan namin at tumakbo sa kinaroroonan ni Alexa.
Halos magkandarapa pa kami sa pag-uunahan. Hawak hawak ko pa nga rin ngayon yung lalagyan ng cookies eh. Pero napatigil kami sa pag-uunahan nang makita namin si Alexa na nasa may pinto pa rin.
Isa pang dahilan kung bakit kami napatigil ay dahil sa lalaking kaharap niya... isang lalaking... napakapamilyar.
Si Ashley.
Iniabot ko kaagad kay Zack yung lalagyan ng cookies. Tumakbo ako para sugudin si Ashley at nang makalapit-lapit na ako ay bigla ko na lang siyang sinampal.
"WALANGHIYA KA! ANO PANG KARAPATAN MONG PUMUNTA DITO HA?! MATAPOS MO KAMING IWAN NG WALANG PASABI, BABALIK-BALIK KA DITO?! SA TINGIN MO BA TATANGGAPIN KA PA NAMIN DITO MATAPOS NG LAHAT NG GINAWA MO?! ALAM MO IKAW, SARILI MO LANG INIISIP MO! MAKASARILI KA! HINDI MO MAN LANG NAISIP KUNG ANONG MARARAMDAMAN NAMIN KAPAG INIWAN MO KAMI! KAPAG NAWALA KA NA! HINDI MO ALAM KUNG GAANONG HIRAP ANG PINAGDAANAN NAMIN SIMULA NANG IWAN MO KAMI BASTA-BASTA. TAPOS NGAYONG MAAYOS NA ULIT KAMI, BABALIK KA?! PARA ANO?! PARA MANGGULO?!" hindi na ako makasugod ulit dahil pinipigilan na nilang lahat ako. Buhat buhat na rin nga pala ako ni Zack kaya tuloy padyak na lang ako nang padyak. Nagbabakasakaling matamaan siya.
Humarap siya sa akin. Tumulo na yung luha niya galing sa mga mata niya.
"Hindi niyo alam kung anong dahilan ko, kaya mas wala kayong karapatan para husgahan ang pagkatao ko. Isa pa, para sa inyo rin naman ang ginawa kong pag-alis eh." mukha siyang nanggigigil pero pinipigilan na rin siya nina Ivan.
"PWEDE KA NAMANG UMALIS EH! MAGPAALAM KA LANG! HINDI YUNG AALIS KA NA LANG BASTA BASTA NANG WALANG PAALAM! NAIWAN KAMI DITO BAKA NAKAKALIMUTAN MO. NAIWAN KAMING UMAASA NA MAKITA KA ULIT. NA MAHANAP KA. PERO ANONG GINAWA MO?! TINAGUAN MO LANG KAMI! NI ISANG TAWAG O TEXT MAN LANG WALA KAMING NAKUHA SAYO!"
"INALIS KO LAHAT NG CONTACT KO SA INYO DAHIL BAKA HINDI KO KAYANIN, OKAY?! DAHIL KAPAG LAGI KO KAYONG NAKAKAUSAP AT NAKIKITA AT KUNG ANO MAN! MAS MAMIMISS KO KAYO AT BAKA MAS LALO AKONG MATEMPT NA BUMALIK NA LANG DITO SA PILIPINAS! PERO HINDI PWEDE! KAILANGAN KONG GAWIN YUN PARA SATING LAHAT!"
"HOY! TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" pagpipigil samin ni Alexa kaya natahimik ang lahat. "Kayong dalawa talaga!" at binatukan niya kaming dalawa ni Ashley. "Ginogoodtime niyo kami! Ayan nanaman kayo sa mga so-called-acting skills niyo!"
