Alexa's POV
Sabado na. Walang pasok. Boring kaya naman nagpagdesisyunan naming magsine... WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! Excited na ako! Feeling ko first time ko magsisine! Di ko alam kung bakit.
"Nandito na tayo!!!" sigaw ni Kyla at naunang lumabas ng van. Excited din siya kanina pa.
"So ganito... Punta muna tayo sa shop namin, libre ko kayo tapos saka tayo kumain at manood ng movie. Ano okay lang?" - Skylar. Sinabi pa talagang shop nila ehh -____-
Pero totoo. May shop sila. Lahat ng damit dun si Skylar ang nagdesign.
"Okay lang! Tara na!!!!" sobrang excited talaga tong si Kyla. Makahigit wagas! Hooooy!!!! Yung braso ko parang mapuputol na! TT^TT
At ayun nga. Hinila na kami ni Kyla papasok s mall.
"Saan yung shop niyo?" tanong niya bigla. Tingnan mo to! Manghihila tapos hindi naman pala alam kung saan yung pupuntahan.
"Dito" sinundan lang namin si Skylar hanggang sa makarating kami dun sa shop nila.
"Oh yan. Pumli na kayo ng susuotin niyo."
"Susuotin na natin? Agad agad?" - Ryan. Yeah kasama si Ryan. Nung una ayaw niya tapos nung nalaman na siya lang mag-isa ang maiiwan sa bahay, sumama na rin -____- Takot maiwan. Siya lang ang nag-iisang lalaking kasama namin. Sabi nga ni Rogelie, body guard daw namin.
"Oo para masaya!"
Sinunod naman namin yung sinabi ni Skylar kaya namili na kami ng namili. Wala kaming pakielam sa price sabi kasi ni Skylar libre daw, kaya sulitin na!
"Ang tagal niyo naman! Gutom na ako!" pagrereklamo ni Rogelie
"Tapos na! Eto na!" - ako
Katulad ng napag-usapan, kakain muna kami.
"Saan niyo gusto kumain?" - ako
"Shakey's"
"Dencio's"
"Gerry's Grill"
"Mcdo"
-_____- Grabe Shakey's, Dencio's, Gerry's Grill -____- Buti pa yung Mcdo.
