Alexa's POV
Shit. Shit. Shit!!!!!
Bakit hindi siya nagdala ng damit sa loob ng banyo at dun na lang magbihis?! Ay grabe talaga! Hindi man lang ba niya naisip na nandito siya sa office ng principal?!
"A-ahh... Ma, tawagan na lang kita mamaya. Bye ma! Love you!" pagpapaalam ko kay mama na parang nagrarap sabay close ng laptop. Napatingin ako kay Rogelie na nakaupo dun sa may sofa. Pero nung nakita niya si Ivan, tumakbo na siya palabas ng pinto. Kaya ayun! Kami lang natira dito.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko saka nalakad patungo sa pinto. Naku! Wag na wag lang talaga siya magtatangka na pigilan ako. Kundi... ah ewan! Grabe
Hanggang sa ayan na! May humawak na sa braso ko. Basa pa yung kamay niya. Feeling ko tuloy sobrang pula ko na ngayon! Hindi dahil sa kinikilig or something, like what the?!, kundi dahil sa nakatopless ang lalaking ito ngayon. JUSKO MY INNOCENT EYES!!! Ayaw ko lumingon. Hindi ako lilingon. Hindi talaga. No. Never. No way.
"Saan punta mo?"
"Malamang palabas ng pinto, alangan namang papasok ng pinto diba?" pilosopong sagot ko dun sa tanong niya. Pero kahit glance lang, hindi ako tumitingin sa kanya. Hindi talaga.
"Eh bakit hindi ka makatingin?" kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong nakasmirk pa siya... Bwisit siya!!!!!!!!! Hinahamon ako ng lalaking to! Kaya naman para hindi mapahiya, tumingin ako sa kanya kahit na sabi ko kanina, hindi ako titingin. Ano pang magagawa ko? Kesa naman mapahiya ako diba? Mapahiya na ayaw kong tumingin dahil sa nakahubad siya.
"Oh! Nakatingin na! Masaya ka na na nakatingin ako sa mukhang aso mong pagmumukha?" that smirk. So annoying. Para bang lagi siyang nang-aasar. Na kapag naiinis ako, mas natutuwa pa siya. Nakakainis talaga.
"Tss... Ngayon ka lang ba nakakita nito?" sabi niya sabay turo sa may tiyan niya. Wow! Ang hangin ah. Para namang meron kang makikita. -_____-
"Ng ano?" tanong ko kahit na alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.
"Abs." proud pa siya.
"Abs yan?! Hindi yan abs! Tabs yan." pang-aasar ko sa kanya with matching turo pa sa so-called abs niya daw.
"Ah ganun?" sabi niya sabay hila sakin at isinandal ako sa pader. Harassment! Child Abuse! Joke XD Pero ikinulong niya pa ako sa dalawang braso niya! PUTEK!!!!!!! RAPIST!!!! HAHAHAHA XD May natulo pang tubig sa buhok niya. Ang lapit niya. Sobra. Natuluan ako ng tubig sa mata na nanggaling sa buhok niya kaya naman napapikit ako. "Akala mo naman hahalikan kita." bulong niya sa tenga ko. Asa siya! Ang kapal ha! Napaka! Gusto niya pala ng ganya ha? Sigeeeee! Pagbibigyan kita.
Iminulat ko ang mga mata ko at saka mas lalong lumapit sa kanya na parang hahalikan, na nagpaatras naman sa kanya ng konti. Lumapit pa ako ng lumapit. Siya naman, atras ng atras. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya habang patuloy na lumalakad papalapit sa kanya hanggang sa napasandal na siya sa pader. Inilapit ko ang mukha ko na halos isang dangkal na lang ang layo. Nanlaki ang mga mata niya. Ganyan gusto mo ha?
Hinaplos ko naman yung pisngi niya. Nagdraw ng line sa ilong gamit ang index finger hanggang sa hinawakan ko yung labi niya using my thumb.
Nagtangka siyang lumapit kaya naman itinulak ko siya para mapasandal ulit sa pader. Nung tinulak ko siya, nakahawak ako sa dibdib niya. Hindi ko yun inalis at nagkagat labi pa. Siseseduce tuloy ang dating ko ngayon.
"Anong gagawin mo?" tanong niya sakin. Halatang kinakabahan. Hinawakan ko ulit yung labi niya.
"I don't know. Maybe... " sabi ko at mas lalong inilapit pa ang mukha ko na para talagang hahalikan ko siya. "...kiss you?" Pumikit siya. Hahahaha nice. Napangisi na lang ako at kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko sabay picture sa kanya na nakapikit, nakanguso, at topless. HAHAHAHAHAHAHAAHAAHAHAHA NAKAKATAWA ANG ITSURA NIYA!!!! PRICELESS! XD
Nakalayo na ang mukha ko at iniintay siya na imulat ang mata. Inihanda ko na rin ang tawa kong kanina ko pa pinipigilan. Ang sarap niyang pagtripan, really.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at dun na nga ako nautas. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAA GRABE YUNG ITSURA NIYA!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA 100000x
Mukha naman siyang nainis at napahiya. Napakamot pa siya sa batok niya. Yan kasi! Masyadong assuming! Buti nga sayo!
"Sige! Pagtawanan mo pa ako! Halikan kita diyan eh" aba't tinakot pa ako.
"Halikan mo ko kung kaya mo! Palibhasa pahiya ka eh! Wushuuuuuuu" pang-aasar ko sa kanya. Tapos bigla na lang...
*CHUP*
O_____O
OMG! Hinalikan niya ako sa labi. Smack lang pero hinalikan niya talaga ako. First kiss ko. BADTRIP!!!!!!!!!!! KINUHA NIYA FIRST KISS KO!!!!!!! OMG. O______O
Pero kahit ganun, ramdam ko ang tibok ng puso ko. Ang bilis. Parang nagwawala. Natulala na lang ako. Natahimik. Hindi ko ineexpect na hahalikan niya nga ako. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin siya sakin. Nakangiti.
Bakit ganto nararamdaman ko? Dapat naiinis ako sa kanya. Dapat nagagalit ako. Dapat sinampal ko na siya. Pero bakit iba? Bakit hindi ko yun nagawa?
Bakit nagwawala ang puso ko?
=================
Sorry kung sobrang tagal ng update, pagpasensyahan niyo na. Sobrang busy lang talaga. Pero thank you pa rin sa patuloy na nagbabasa. Thank you!
~ M
