Chapter 43 - Court

78 2 0
                                        

Alexa's POV



"KYLA!!!!!!! BILISAN MO!!!! MALELATE NA TAYO JUSKO! IIWAN KA NA NAMIN!" sigaw ko sa labas ng bahay namin. Eh kasi naman ang tagal ni Kyla! Malelate na naman kami nito eh! "KYLA!!!!! BANDILA NA!!!!!"sigaw ko ulit. Pagkasabagal ba naman nito!



"Eto na! Tara na!"



Dali dali na kaming sumakay sa van dahil baka mas lalo lang kami malate!



"Next time talaga iiwan ka na namin!" sabi ko kay Kyla.



"Kaya nga! Ang tagal mo! Sobra!"sabi naman ni Skylar.



"Bilisan mo na lang sa sunod." at si Rogelie naman ang nagsalita ngayon.



"Teka... nasaan si Ryan?" tanong ni Kyla.



"Wala na. Nauna na." -Rogelie



"Saan nauna?"



"Baka sa langit! Nagpakamatay na sa sobrang bagal mo! Tss." singit ko. Common sense naman! Syempre mauuna na yun sa school dahil baka madamay pa siya sa pagkalate! -_____-



"Psh. Nagtatanong lang eh"



"Pwes kung magtatanong ka, yung matino naman!" inirapan ko si Kyla.



"Ang taray mo ngayon, girl!" sabi pa niya. "Oo nga pala, hindi ako sasabay sa inyo papuntang classroom. Dadaan muna akong canteen dahil hindi pa ako nakakapagbreakfast."



"Ako, dadaan muna sa library." sabi naman ni Rogelie.



"Ako din hindi sasabay." biglang sabi ni Skylar. "Dahil magcucutting ako! BWHAHAHAH-ARAAAY!" binatukan ko nga!



"Baliw! Anong cutting?!" sigaw ko.



"Joke lang! Eto naman kung makabatok!"



"Aba! Sabihin mo ba namang magcucutting ka! -____-"

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon