Chapter 48 - Ashley

70 0 0
                                        

Alexa's POV


Natigilan ako. Magkadampi ang mga labi namin. Oo, hindi ito yung first time... pero feeling ko first time. Alam niyo yun?


Tapos yung puso ko... sobrang bilis ng tibok na kapag gumalaw ako, parang mahuhulog na!


Nang mapagtanto niya kung anong ginawa niya, agad siyang humiwalay at napatitig lang sakin. Ako naman, nakatitig lang din. Hindi ko alam kung anong gagawin ko eh!


Napasapo siya sa noo niya na para bang problemadong problemado. "Hala! Sorry sorry sorry nabigla lang ako. Nadala ako ng emosyon ko kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko. Sorry talaga! Jusko paano ba to? Sorryyyyy please wag ka munang makipagbreak sakin-"


"Shhh" tinakpan ko yung bibig niya kasi napakadaldal niya. "Okay lang. Ayos lang yon ha? Magrelax ka na dahil hindi ako makikipagbreak, okay?" napatawa na lang ako habang sinasabi ko yun sa kanya.


"Wait... talaga?"


"Bakit? Gusto mo? Sige madali naman akong kausa-"


"Hindi! Ayaw ko!" niyakap niya ulit ako ng mahigpit. "I love you! I love you! I love you! Wag mong iisipin na makikipagbreak ako! Ayaw koooo!!!"


Kumalas ako sa yakap at hinampas siya ng mahina. "Umayos ka nga. Para kang baliw."


"Matagal na akong baliw... baliw sayo. YIEEE KINIKILIG AKO!" Aba anong nangyayari dito? Napatawa na lang ako dahil sa trip ng lalaking to.


"Tama naaaaaa hahahaha" tinakpan ko yung mukha niya at nagtago rin ako sa dibdib niya. "Nakakahiya. Bakit ba kasi ang daming tao dito jusko naman!"


"OH MGA PRENDS! NAHIHIYA NA YUNG GIRLFRIEND KO! ALIS MUNA KAYO. KAILANGAN NAMIN NG ALONE TIME HEHE BABYEEE!"


Nahampas ko nanaman siya nang dahil sa ginawa niya. "Magtigil ka nga! Parang shunga to! Bakit ka sumigaw?!" pabulong na sigaw ko sa kanya. Gets niyo naman siguro yun.


"Para umalis na sila at masolo na kita." tinaas baba pa niya yung kilay niya na parang nang-aasar kaya nasampal ko siya nang paloko.


Nag-alisan naman silang lahat kaya kami na lang ni Ivan ang natira.


"Oh tapos? Anong gagawin natin? Pinaalis mo pa kasi eh! Dapat pinaiwan mo sina Skylar."


"Hayaan mo na. Solo na kita." ngumuso siya kaya hinampas ko yon. "Aruuuy! Yan masakit na lips ko. Kiss mo na para magaling na ulit."


"Siraulo ka! Gutom na ako kaya pakainin mo na lang ako."


"Bubusugin kita ng halik at pagmamahal ko."

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon