Ivan's POV
May nararamdaman akong kakaiba...
Para akong natatae.
Pero syempre joke lang yun. Iba ang nararamdaman ko. Kaba. Bakit nilampasan lang kami nina Jane? Bakit sila nakangisi? Bakit parang may ginawa sila na hindi maganda? Bakit hindi parin namin makita si Alexa? Bakit.... nawalan na ako ng itatanong?
*sigh* Lagi naman nawawala si Alexa eh, pero kahit papano naman, nahahanap namin siya. Ngayon, hindi namin siya mahanap.
"Baka umuwi na?" -Kevin
"Pwede. Kaso parang hindi niya gagawin yun, kasi manglilibre si Ryan ngayon. Imposibleng palampasin niya yun." sabi ni Rogelie
"Baka nagpakamatay na" napatingin naman kaming lahat sa nagsalitang si Zack. Anong ba talagang problema nito?! Kahapon pa siyang ganyan. Parang walang pakielam sa mundo! Kapag tinanong naman, ayaw magsalita. Kapag nasita, magagalit, magkukulong sa kwarto at hindi kakain. At ang matindi, kaninang madaling araw, pagkagising ko, nakita ko siya sa kitchen na may hawak na kutsilyo at parang maglalaslas! Mabuti na lang talaga at naabutan ko siya. Dapat nga hindi yan papasok ngayon eh. Ano bang nangyayari?! Bakit nagkakaganto kami?!
"Eh kung ikaw kaya ang patayin ko diyan!" sigaw ni Skylar
"Sige. Gawin mo na, tutal gusto ko na rin naman mamatay." cold niyang sabi sabay alis na. Napanganga naman sila sa sinabi at iniakto ni Zack.
"He wanted to die?!" -Kyla
"Gusto niyang mapag-isa. Hayaan na muna natin." - Daniel
"Eh paano kung magpakamatay na siya ngayon?!" - Skylar
"Susundan ko na lang. Ako na ang bahala. Hanapin niyo na lang si Alexa." pagvovolunteer ni Rogelie. Nagsipagtanguan naman kami kaya umalis na siya at sinundan si Zack, samantalang kami, nagpatuloy sa paghahanap kay Alexa.
Habang naglalakad kami, nakarinig kami ng biglang pagputok. Ang lakas. Napatingin kami sa paligid namin.
"Ano yun?" tanong ni Frances.
May pumutok ulit. Napatingin naman kami sa mga estudyante na nasa field. Nakatingin naman silang lahat sa langit.
