Chapter 54 - Why?

60 1 1
                                        

Frances' POV


"Kuya, wala ka bang balak bumaba ng kotse?" tanong ko kay kuya Ivan habang nakadungaw sa may bintana. Kanina pa kasing 6:30 am kami nandito sa school at ngayon na mag se-7:30 am na, hindi pa rin siya nababa sa kotse. "Kuya?" kita ko ang panginginig ng mga kamay niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pero alam ko na nasasaktan siya... kitang-kita ko sa mata niya.


"N-nasaan na kaya siya?" tumungo siya at alam kong pinipigilan niyang umiyak ulit. "A-ano na kayang nangyari sa kanya?"


Binuksan ko ang pinto ng kotse at umupo sa tabi niya. Hinagod hagod ko ang likod niya.


"S-sana okay lang siya n-no?" hindi na ako nagdalawng-isip pa at niyakap ko na siya. Rinig ko ang pag-iyak niya. Hindi naman hagulgol pero naiyak parin!


"Siguro naman ayos lang siya, kuya. Kailangan lang siguro natin na magtiwala kay Ashley, kahit ngayon lang. Iiyak mo lang yan. Magiging ayos lang ang lahat."


"S-sana nga, Frances. Sana nga..."


Humiwalay ako sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi niya para punasan ang mga luha niya. "Kaya mo to, okay? Para kay Ate Alexa?"


"Pakiramdam ko, hindi ko kaya..." tinignan niya ako. "...Pero kakayanin ko... para kay Alexa."


Napangiti ako sa sinabi niya. "That's my brother." Pinat ko ang balikat niya. "Tara na. Para malaman na natin kung bakit tayo pinapapunta ni ate Alexa sa harap ng clock. Let's go?"


Huminga siya ng malalim. "Let's go."


Lumabas na rin siya sa kotse! Sa wakas! Dumiretsyo kami sa iba na ngayon ay nasa harap na ng malaking clock sa may entrance ng school. Sa pwesto namin ngayon, kitang-kita ang mga estudyante. Naglalakad. Mga tambay. Naglolocker. Nagdadaldalan. Naglalaro. Kitang-kita mo kung sino ang mga loner. Lahat sila maoobserbahan mong mabuti.


"Guys," napabaling kay Skylar ang atensyon namin. "one more minute." nagkatinginan kaming lahat. Napatingin ako kay kuya at bakas sa mukha ang sobrang nerbyos. Inakbayan din ako ni Ryan na halatang kinakabahan din.


"Chill." sabi ni Kevin. "Kaya natin to." napatango na lang kaming lahat sa sinabi ni Kevin.


Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin, pero mukha kaming mga baliw na nasa gitna ng may entrance. Nakatingin lahat sa malaking clock. At mga ninenerbyos. Oo, ninenerbyos ako. Kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari at kung anng ibig sabihin ni ate Alexa sa 'Watch what happens'. Kwinento na sa amin nina Ryan lahat lahat kaya alam na din namin ang tungkol dito.


  Kinakabahan ako. Kinakabahan ako para kay kuya. Kinakabahan ako para sa mararamdaman niya. Paano kung masaktan siya sa kung anong mangyayari ngayon?   


Walang sino man ang nakakaalam kung nasaan si Ate Alexa pati na rin si Ashley. Di namin alam kung may something sa kanilang dalawa. Di namin alam kung niloloko lang ba ni Ate Alexa si Kuya. Di namin alam kung anong dahilan niya kung bakit bigla na lang siya umalis at naglaho na parang bula. Di namin alam. Wala kaming alam. Pero sa mga sandaling ito... malalaman na namin.

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon