Chapter 44 - Decision

84 6 1
                                        

Alexa' POV



"You?"



Fudge! CAN I COURT YOU?! PUTEK ANONG ISASAGOT KO?! Walanjo! Napatingin ako sa paligid at nakita ko lahat ng schoolmates ko. Lahat sila nandito! Bakit kailangang may witness?!



Napatingin ulit ako kay Ivan na nakatingin lang sakin.



"So?" tanong niya.



"Anong so?"



"Anong sagot mo?"



"Sagot saan?" kahit alam ko yung tinutukoy niya, nagpatay malisya ako. Natatakot ako eh, anong magagawa niyo?!



"Can I court you?"



Naghiyawan naman ang lahat pagkasabi niya nun. Lintek yan! Bakit ba nandito silang lahat?!



Nakatingin lang ako sa kanya at sinabing...











"No."



Pagkasabing pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako. Bahala sila diyan!

Pero bago pa ako makahakbang ay may humawak sa may wrist ko. Iniharap niya ako sa kanya.



"Bigyan mo lang ako ng chance at patutunayan ko sayo na mahal kita. Gagawin ko lahat para sayo. Please... just give me a chance."hindi ako sumasagot at nakatingin lang sa mukha niya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.



"H-huy tumayo ka diyan!"



"Alexa Reyes, isang chance lang ang hinihingi ko... sana pagbigyan mo ako. Hinding-hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako pinapayagang manligaw sayo... hinding-hindi ako tatayo..."



Nakatingin siya sa mga mata ko kaya mas lalo akong natense. Hindi ako makagalaw na para bang naglue na ako dito sa tinatayuan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya. Parang magnet eh!

Enemies to LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon