Bahagya kong hinawakan ang palda na nililipad ng hangin habang dinadial ang number ni Kuya para malaman kung tapos na ba siya sa paggygym.
Itinapat ko ang cellphone sa tainga habang tumingin sa kaliwa't kanang bahagi ng daan at nang makitang walang sasakyan ay patakbo akong tumawid dahil nasa tapat lang ng school ang gym kung nasaan si Kuya, dadaan ka pa ngalang ng eskinita para makapasok dun.
Mabilis na tumulis ang nguso ko nang hindi macontact si Kuya.
Bumuntong hininga ako at nag-isip ng mainam na gagawin.
Inayos ko ang buhok bago itinaas ulit ang cellphone para tawagan ulit si Kuya. Pang huli nalang 'to kung ayaw pa rin niyang sumagot, bahala na papasok nalang ako.
Padarag kong binaba ang cellphone nang hindi pa rin siya macontact.
Kaya ayan, wala na akong choice kundi pumasok sa gym.
Naman eh! Ang creepy pa naman ng eskinitang dadaanan!
Ibinalik ko ang cellphone sa loob ng palda at mahigpit na tinalian ang buhok bago lakas loob na naglakad palapit ng bukana ng eskinita.
Marahan kong hinawakan ang pader na hollowblock at madiing tiningnan ang dadaanan ko. I've never been to this place before, may gym namang malapit lang sa bahay. Hindi ko nga alam kay Kuya kung bakit dito pa talaga nag-ggym, eh may mas malapit naman! Daming ganap sa buhay.
Inalis ko ang pagkakahawak sa hollowblock at buong lakas ng loob na tumapak papasok. Kaya ko 'to. Hindi naman sobrang haba ng eskinita, natatanaw ko na nga ang pintuan ng gym galing sa kinatatayoan ko at hindi rin siya sobrang liit o sikip dahil may nakikita pa nga akong mga mesa at upuan sa gilid nun. Yun nga lang walang katao-tao.
Panay lingon ko sa likod habang patuloy na naglalakad, parang may naririnig kasi akong something. Kasalanan 'to ni Hannah eh! Ang hilig manuod ng horror movies kasama ako, 'yan tuloy!
"Hi, Miss."
Mabilis akong napatalon nang may biglang nagsalita sa likod ko. Nanlalaki ang mga mata akong lumingon sa likuran habang habol-habol ang hininga dahil sa takot at pagkabigla.
Mas lalong lumala ang takot na naramdaman ko nang makita ang isang lalaking tama lang ang laki na puno ng tattoo ang katawan. Nakatayo ito di kalayuan sa'kin habang malisyosong nakatingin sa'kin.
"H-hello po," kinakabahan kong sagot at akmang maglalakad na ulit nang nagsalita ulit siya.
"H'wag ka munang umalis. Dito na muna tayo," aya niya dahilan ng dahan-dahan kong pagbaling sa kanya.
Mariin akong lumunok nang makita kung saan nakatutok ang mga mata niya. Sa hita ko. Pasimple kong hinila pababa ang suot na skirt at hilaw na ngumiti sa lalaki.
"H'wag na po, nagmamadali po ako eh," sagot ko at mabilis na naglakad paalis. Akma akong tatakbo palayo nang may isang kamay ang mahigpit na humawak ang braso ko.
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat, 'yung tinatanggihan ako..." marahan niyang bulong dahilan kong bakit tumatama ang init ng hininga niya sa batok ko. Napangiwi ako dahil may tumasik pa yatang laway sa dun.
"K-kuya..." kinakabahan kong sabi habang pilit na inaalis ang braso sa pagkakahawak niya.
"Tumingin ka nga sa'kin..." utos niya pero hindi ko ginawa. Ni hindi ko na nga alam kong anong gagawin. Sobrang kaba ang bumabalot sa'kin dahilan kong bakit wala na akong maisip na mabuting gagawin.
Lalo na nung isang magaspang na kamay ang humawak ang hita ko.
Mabilis kong inilag 'yun sa kanya ngunit mabilis niya pa rin itong nahabol na ngayon ay hinihimas na niya.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...