CHAPTER 19

59 4 1
                                    

"What took you all so long?!" galit na bungad ni Miss Kath nang makapasok kami sa dressing room na para sa'min ng venue.

Napalunok ako dahil kitang-kita talaga ang galit sa mukha ni Miss Kath. Bahagya akong umiwas ng tingin sa kanya at inilibot ang tingin sa kabuoan ng silid.

Malaki ito, maraming tao na rin ang nandun at mukhang kami nalang talaga ang hinihintay. Sa isang sulok bahagya kong nakita ang nakahanay metal rack na maraming damit ang nakahanger. Sa likod naman ni Miss Kath, vanity mirrors at upuan sa harap nun. Sa kaliwang banda ay sa tingin ko, kung saan kami magpapahinga at kakain dahil may mesa, sofa at monoblock chair ang naroon. Habang sa kaliwang banda naman ay may fitting room.

"I'm sorry. Nalate ako."

Natigil ang pagmamasid sa loob nang sumagot si Miss Aby.

Mabilis akong tumingin sa orasang nasa bandang itaas ng silid. It's already 7:30, isang oras din kaming nalate. Kaya ganito nalang kagalit si Miss Kath, sobrang tagal kasing dumating si Miss Aby kanina. Pinauna niya nga 'yung driver ng sasakyan sa pagsundo sa'min sa university pero hindi naman kami makapunta sa venue dahil si Miss Aby lang ang may alam sa direksyon papunta dito. Kaya wala kaming pagpipilian kundi hintayin siya na sobrang tagal na dumating. Pero para sa'kin hindi ko naman siya masisi dahil baka may emergency na nangyari, pero kasi ngayon na 'yung pangalawang segment ng best shot tapos late pa kaming dumating.

Hindi makapaniwalang bumaling si Miss Kath sa kanya.

"Nalate?! Ngayon pa talaga?! It's already seven-thirty, come on!" Nanggagalaiti nitong sumbat.

"You two stop! Mamaya na 'yan pwede? We're running out of time already!" Galit ding pigil ni Miss Lan kaya napatigil ang lahat, pati ako.

I always see Miss Lan being a calm woman but today is different, she can't be calm.

"Girls, on the vanities!" Utos niya sa'min habang itinuturo mga ito.

"Zirah dito ka," tawag nung isang babaeng nakatayo sa harap ng isang vanity table.

Bahagyang kumunot ang noo ko.

Zirah?

"Bilis!" utos niya.

Agad akong napaayos ng tayo.

"Sorry po," dali-dali akong lumapit sa kanya at umupo.

Oo nga pala, we're already using our pseudonym here.

As soon as i seated on the chair, she started doing my makeup.

Ilang sandali rin, galing sa repleksyon sa salamin nakita kung may isa pang babae ang lumapit at hinawakan ang buhok ko. That's when i thought that she's a hairstylist.

Napatitig sa repleksyun ko sa salamin, seryoso 'yung dalawang babae sa ginagawa nila. 'Yung isa sa mukha ko, 'yung isa naman sa buhok ko.

Habang nakatitig sa repleksyun, hindi ko mapigilan ang maliit na pagkurba ng labi ko. Na para bang nawala ang takot ko kay Miss Kath at Miss Lan kanina dahil sa pagkalate namin.

Hindi ko alam pero parang kinikilig ako habang pinapanuod ko sila at ang sarili ko sa salamin.

This is what I always imagine when i was younger and still imaging myself as a model. This is exactly what i thought to be. Sitting in front of a vanity mirror with my stylist's hand on me while waiting for my time to come out on stage.

I don't know that I'll be really achieving these. Na mararanasan ko talaga ang mga 'to.

Kahit na contest lang 'to, it already occupies a big part my heart.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon