"Turn, take one step and turn two times."
Napangiti ako habang naglalakad pabalik sa dulo ng imaginary runway ko, malapit ko ng maperpekto ang lakad na iyon. Pero alam kung may posibilidad na ayaw pa rin ni Miss Aby, lalo na't hindi ako gumawa sa paraan ng paglalakad niya. Naghanap kasi ako sa internet kagabi kung meron bang ganoong lakad pero wala talaga akong makitang kahit isa.
"Isa pa..." utos ko sa sarili saka pumwesto.
Maglalakad na sana ulit ako ng biglang may kumatok sa pinto ko.
"Cha, baba na kakain na tayo." Rinig kong utos ni Mama sa labas.
"Sige po ma," sagot ko at umupo sa kama para hubarin ang heels na suot.
"Dumating na rin sina Hannah at Pia diba mag-gygym kayo ngayon? Kaya dalian mo diyan," dagdag nito bago ko narinig ang lakad niya paalis.
Napakunot ang noo ko.
Ba't parang galit si Mama?
Ipinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng heels saka dire-diretso sa pagbaba habang iniisip ang maaring dahilan ng pagkagalit niya pero wala akong maisip minsan lang kasi kung magalit si Mama, at may sapat na rason pa. Hanggang sa makarating ako sa hapag, wala pa rin akong maisip. Kaya ipinagsawalang bahala ko nalang 'yun at pinakiramdaman ang mga tao sa mesa lalo na si Mama.
I could feel that something's really going on here. Sobrang tahimik kasi nila pati si Hannah at Pia na wala man lang kibo sa pagdating ko. Hindi nalang din ako kumontra at nagsimulang magsandok ng pagkain at agad ring nagsimulang kumain.
Habang ngumunguya ako hindi ko mapigilang mailang dahil sa pananahimik nila. Ang ganitong senaryo ay kapag galit lang talaga si Mama na minsan lang nangyayari, na kahit si Kuya at Papa ay hindi makapalag.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang bumuntong hininga si Mama ng malalim kaya lahat kami napabaling sa kanya.
"Tita..." sambit ni Hannah.
"Ma, ano pong problema?" hindi ko na mapigilang tanong.
Napatigil si Mama sa ginagawa at tumingin sa'kin. Kaya bahagya akong napaurong sa kinauupuan.
Inalis din naman niya ang tingin sa'kin kalaunan at inabot ang bag saka may hinalungkat sa loob nito.
Nang makuha 'yun ay agad niyang inilapag sa mesa at tumingin sa'kin. "Ano 'to, Chariz?"
Bahagya akong nanigas. Ako ang dahilan ng pagkagalit ni Mama!
"Po?" Kinakabahan kung saad.
Nagtaas ng kilay si Mama at tiningnan lang ang papel na nilapag niya. Kaya dahan-dahan kung tinaas ang nanginginig na kamay para kunin ang papel at malaman kung ano ba 'yun.
At nang makita ang nasa papel ay mas lalo akong nanigas.
It was my picture. My manipulated pictures from EMM company. At hindi pa 'yung group picture namin kundi ako lang talaga, my solo shoot.
"Your school called me because they have a news to me about you being a representative model, only to know this?!" she lamented.
"Uh, Tita, Tito sa sasakyan nalang po namin hihintayin si Chariz." Rinig kung paalam nina Hannah pero nanatili lang akong nakatitig sa larawan ko.
Mula nung malaman ko ito, hindi ako nagplano ni hindi pumasok sa isip kong sabihin sa kanila ang tungkol sa litratong 'to, maging sina Hannah at Pia pinaki-usapan ko na h'wag sabihin 'yun pero wala talagang sekreto na 'di maibubunyag.
"Ma...Ayos lang 'to..." tanging nasabi ko dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na okay lang sa'kin 'yun. Na nagkaroon pa ako ng kunting kompyansa sa sarili dahil sa edit na 'to.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...