CHAPTER 17

66 3 1
                                    

"Girls, since today's weekend and the company doesn't allow to work during weekends. I want Miss Volteros, Miss Tihana and Miss Callyro to made yourself make use around a crowd. You don't have to force yourself to do it. Just make it smoothly and slowly, it takes time. And you don't have to get those people's attention, just walking in the middle of a crowd is enough. Just trust yourselves girls. You can do it. Then Miss Biren and Miss Garret, continue improving your walk and expressions. Keep up the good work."

Basa ko sa mabahang mensahe ni Miss Aby pagkagising.

Napabuntong hininga ako inilapag pabalik ang cellphone sa mesa saka pabagsak na humiga ulit sa kama.

Sa text ni Miss Aby, naalala ko tuloy ang usapan namin ni Calim kahapon bago ako umuwi.

——
"You can share to me what's bugging on your mind, you know..." saad niya at nag-iwas ng tingin. Napansin siguro nito ang pagkatulala ko ulit.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Ganito kasi 'yan." Panimula ko at umayos ng upo. "'Yung school namin napili ng isang modelling company para irepresenta sa isang contest. Limang modelo ang kailangan nila at isa ako sa napili——bakit?" Napatigil ako sa pagkukwento nang bumaling si Calim sa'kin.

"Congrats." Tumango ito at maliit na ngumiti.

Lumaki ang ngiti ko. "Thanks."

"Tapos 'yun nga, napili ako. Nung una pangit ang naranasan ko dahil ang sasama ng ugali nila pero naayos din naman agad. Mag-iisang buwan na kaming nag-eesayo para dun, at masasabi kung may laban na ako. Pero kanina bigla akong napaurong at para bang bigla akong bumalik sa una. Basta, parang nawala lahat dahil sa kabang naramdaman ko. Nasanay na kasi akong walang tao kapag nagprapractice kami, tsaka hindi lang din ako sanay na nakasentro ang atensyon ng maraming tao sa'kin. Kaya nung biglang nag-imbita 'yung handler namin ng mga audience namin, bigla akong nawala sa tamang pag-iisip dahil sa takot at kaba. Kasi naman, maglalakad sa gitna ng mga tao na lahat ng atensyon na sa'yo. Nakakahimatay kayang isipin 'yun. Kaya ayon, lahat nagawa ko mali. 'Yung pag-ikot ko, 'yung paglakad, maging ang ekspresyon ko lahat!" Napanguso ako at lumanghap ng hangin matapos magsalita. Bigla akong kinapos ng hangin, unang beses ko atang makapagsalita ng ganun kahaba.

Tumingin ako kay Calim na matiyagang nakikinig sa'kin. 

"You must also fucos on practicing being on a crowd. It's a contest, so it will really have thousand of audience." Suwestiyon niya.

"Oo nga eh. Pero pano nga? Nakakasalubong nga ako ng isang taong hindi ko kilala na nakatitig sa'kin, nanginginig na nga ako. Sa crowd pa kaya." Naeestress kung saad at bahayang ginulo ang buhok.

"Just take it slowly. It needs a process." Saad nito at tumitig sa'kin.

"Pano ko naman gagawin 'yun?" Naguguluhan kung sambit dahil walang ideyang pumapasok sa isipan ko.

Ngunit hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig lang sa'kin.

Tumitig rin ako sa kanya. "May ideya ka?"

"You want help?" bruskong tanong nito 

Mabilis akong tumango at naghintay sa susunod niyang sasabihin.
———

Napatitig ako sa screen ng cellphone kung saan nakadisplay ang number ni Calim.

Sinabi niyang tatawagan ko daw siya kapag makapagdesisyon na daw akong baguhin ang pananaw at alisin sa sarili ang kinakatakotan.

Sa totoo lang, nung umuwi ako. Hindi ko talaga naisip na ikonsidera ang suwestiyon ni Calim, tumawag pa nga ako sa Family psychiatrist namin at ganun din ang sinabi niya pero hindi talaga pumapasok sa isipan kung kailangan ko ngang gawin 'yun ngunit dahil nabasa ko ang mensahe ni Miss Aby. Parang agad na nagtulak 'yun sa'kin para gawin 'yung sinasabi ni Calim at ni Mister Rivera.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon