CHAPTER 23

47 3 0
                                    

Ipinarada ko ang sasakyan ilang dangkal ang lapit kay Zalia at hinintay siyang lumapit sa'kin.

"Hi! Sorry ah! Naabala pa kita," bungad ni Zalia nang mabuksan niya ang pinto.

Ngumiti ako. "Okay lang! Ano ka ba. I'm your family already."

Papunta kasi ako nila Pia dahil nagyaya itong magmovie marathon nang tumawag si Maddox sa'kin, nagrequest na sunduin ko si Zalia sa kanila dahil pupunta rin ito sa kanilang Pia at hindi siya makasundo dahil may ginagawa pa. Agad naman akong pumayag, wala naman kasing problema sa'kin.

Natawa siya at tuloyang pumasok para umupo. Sinundan ko ang lahat ng kilos niya, habang lihim na napahanga sa ganda ng katawan nito. Hindi kasi siya mataba at hindi rin payat. Sakto lang, nasa tamang lugar ang mga curves niya. In short, ang sexy niya. Nakakaingit.

"Wala kang bilbil?" Hindi ko mapigilang saad habang nakatitig sa tiyan niya.

Ito talaga ang pinaka kinaiingitan ko. I have big bellies, na klarong klaro kapag umuupo ako.

Sabi ni Mama, ayos lang naman daw 'yun pero para sa'kin hindi. Lalo na't maraming babae and nakikita kong walang bilbil. Ang perfect-perfect nila.

Napatigil siya sa pag-aayos sa seatbelt. "Uh...meron naman." Naiilang nitong saad.

Napanguso ako. "Pero hindi malaki."

Agad ko ring binawi ang tingin sa kanya dahil halatang masyado siyang nailang sa'kin at lumingon nalang sa harap at hinarurot ang sasakyan.

Natahimik kami ng ilang sandali.

Bahagya akong naguilty, ngayon ko lang narealize na ang awkward pala non. Kaya siguro hindi nakaimik si Zalia.

Napahugot ako ng hininga.

Okay lang 'to. May body shaper naman ako. Tsaka susubukin kong pag-iigihan na ang pag-eehersisyo para umayos naman katawan ko.

Bahagya kong binilisan ang pagmamaneho at iniba ang usapan para pawiin ang nakakailang na katahimikan. Hanggang sa makarating na kami kina Pia.

Sabay kaming naglakad ni Zalia papasok at naabutang tanging mga babae lang ang nandun sa sala. "Saan sina Kuya?"

Sabay silang napalingon sa'min. Ininguso ni Pia ang labi niya patungo sa kusina. "Ayaw nilang manuod, pangit daw." Balita nito.

"Romance kasi 'to, gusto nila ng boxing!!" Reklamo ni Hannah.

Napatigil ako at mabilis na napapikit.

Boxing.

Pasimple kung kinurot ang sarili nang biglang pumasok si Calim sa isipan.

Tumigil ka nga, Chariz!!

Suway ko sa sarili.

"Okay ka lang?" Bigla akong nagising at gulat na napabaling kay Zalia. "Huh?!"

Natatawa akong tumango nang tuloyang umayos sa pag-iisip.

"Sorry, tara magsisimula na ang palabas." Hinila ko siya palapit sa mga pinsang babae at komportableng umupo sa tabi nila. Humanap naman ng pwesto si Zalia hanggang sa tuloyan na ngang nagsimula ang palabas.

Naiiyak akong sumabay sa kanila papunta sa kusina, katatapos lang nung isang pelikulang pinanuod namin pero 'di pa rin ako makamove on. Kahit na 'yung mga bida naman ang nagkatuloyan sa huli, masakit at mahirap pa rin ang pinagdaan nila. Kaya naiiyak ako sa tuwa dahil nalampasan nila ang lahat ng 'yun.

Hindi ko kasi mapigilang ilagay ang sarili sa mga character, masyado lang talaga akong appreciative kapag nanunuod.

"Kaya bawal kang manuod ng romance eh." Naiiling na saad ni Kuya nang makita ang itsura ko.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon