CHAPTER 31

41 3 4
                                    

Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad pababa nang hagdan at papasok ng kusina.

Hindi ko alam, wala naman akong ginawang masama eh. Pwera nalang sa nagkaboyfriend ako at nagkiss kami.

Mabilis akong napapikit nang maalala ang bagay na 'yun at pinigil ang paghinga para pigilan ang sariling ngumiti baka mas lalo lang magalit si Mama.

Nang matapat sa pintuan ng kusina namin, mabilis muna akong gumilid at buong lakas na pinaypayan ang sarili.

Malakas akong bumuntong hininga bago napagdesisyonang pumasok na dahil hindi ko pa naririnig ang ingay ng kutsara at pinggan, kaya siguradong hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil hinihintay ako.

Sana nandito si Kuya, para may malipatan ng atensyon sina Mama at Papa.

Pagkapasok ko, agad kong natanaw si Nanay Teresit's at Ate Berlen na tahimik nakatayo 'di kalayuan sa mesa. Tapos na kasi silang maghain, habang abala sina Mama at Papa.

May ginagawa si Papa sa laptop niya habang abala naman si Mama sa kuko niya at paminsan-minsang tumitingin sa ginagawa ni Papa.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. "Good evening po." Bati ko at lumapit kay Papa at Mama para humalik sa pisngi nila tulad nang nakasanayaan.

Ngunit hindi ko alam ang sarili nang matapat kay Mama, parang biglang may malamig na bagay ang namuo sa tiyan ko na parang naglalayo sa'kin sa kanya. Mabuti nalang at napilit ko ang sariling gawin ang bagay na dapat gawin bago ilang na naglakad palibot ng mesa para umupo.

Patago akong bumuntong hininga habang naglalakad sa upuan.

I never felt this awkward around my parents before. Kung naiilang man ako, 'yun lang kapag may gustong gawin na hindi masabi sabi sa kanilang dalawa, hindi ako nakakaramdam ng lamig at pagkakaroon ng pader sa pagitan naming tatlo.

We are so close before. Like very, comfortable to each other.

But now...

May nagbago kaya?

I hope none.

I can't bare to be distant from my family.

"Nay Sita, Berlen, sabay na kayo sa'min." Basag ni Mama sa katahimikan.

Agad namang tumalima ang dalawa at umupo sa mga bakanteng upuan.

"We're away for one and a half month, kamusta naman kayo dito?" Pagsimula ng pagtatanong ni Mama habang sinasandokan siya ng Papa. "That's enough, hon. Thanks." Pigil niya kay Papa nang malapit ng mapuno ang plato nito.

"Maayos naman." Si Nanay Teresina ang sumagot.

Inalis ko ang tingin kay Papa para magsimula na ring sumandok ng sariling pagkain.

"How's Chariz?" Napatigil ako sa pagsasandok nang marinig ang pangalan at napatingin kay Mama na kakaalis lang ng tingin sa'kin.

"Wala namang naging problema sa kanya," mahinahong sagot ni Nanay.

"Lagi ba siyang umaalis?" Pagpapatuloy niyang tanong.

Dahan-dahan akong sumubo at dahan-dahang ngumuya habang nakikinig sa usapan nila tungkol sa'kin. Laging ganito si Mama noon kapag galit siya sa'kin.

Ano kayang ikinagalit niya ngayon? May alam kaya siya tungkol kay Calim? Hindi naman siguro sasabihin ni Kuya diba?

"Kadalasan," maikling sagot ni Nanay.

Mabigat kung nilunok ang kinain bago sumubo ulit.

"Nagpapaalam siya sa'yo?" pagpapatuloy ni Mama.

"Kung nandito ako, pero kadalasan hindi niya ako naabutan." Si Nanay.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon