"You okay?" Tanong ni Calim nang makalampas kami sa kanila.
"Ohm..." Tango ko at bahagyang lumayo sa kanya.
Tumayo ako sa bandang paanan ng ring at bahagyang nilingon ang kumpol ng mga kababaihan na nakanganga pa rin habang nakatingin sa'min. Kahit malayo na ang distansiya namin. Bumuntong hininga nalang ako at mas piniling h'wag na silang pansinin bago bumaling kay Calim na nanunuod lang sa'kin. "Salamat pala." Maliit akong ngumiti.
Tumango ito bilang sagot kaya ipinaling ko nalang ang ulo ko patungo sa ring.
Ang lawak pala nito, akala ko maliit lang 'yung espasyo. Ganun kasi 'yung akala ko kapag nanunuod ng boxing sa TV.
"Ano nga pala 'yung ituturo mo sa'kin?" Baling ko ulit sa kanya.
"Kickboxing..." sagot nito at naglakad sa isang kabinet. May kinuha itong dalawang pares ng gloves, ang isang pares ibinigay niya sa'kin. Agad ko iyong tinanggap at sinuri. It's a pair of usual gloves that i always seen on television. It's kind of heavy but bearable.
Habang tinitingnan ko ang hawak, bahagya kong nakita ang paraan ng pag-akyat ni Calim sa ring. Dumapa ito sa ilalim na bahagi ng lubid saka gumulong papasok. Agad rin naman siyang tumayo at naglakad palapit sa isang sulok ng ring at tinawag ako. "Dito ka dumaan."
Bitbit ang gloves na bigay niya kuryuso akong naglakad palapit dun at bahagyang nakahinga ng maluwag ng makitang meron palang hagdanan dun. Akala ko gugulong din ako tulad niya.
Ipinarte niya ang mga lubid na nakapalibot sa ring para mabigyan ako ng daan paakyat, saka niya inilahad ang isang kamay para matulongan ako.
Agad kung tinanggap ang kamay niya at bahagyang yumuko para makapasok.
"Salamat..." saad ko nang tuloyan ng makapasok.
Tumango siya saka pinakawalan ang hawak.
Naglakad ako sa isang sulok kung saan may upuan saka siya nilingon. "Bakit kickboxing?" kuryuso kung tanong.
"It's good for girls," sagot niya saka sinimulang isuot ang gloves. Flat 'yung sa kanya 'di katulad sa'kin na bilog.
Nagbaba ako ng tingin sa gloves na hawak at sinimulan na ring suotin. Pero bago ko pa nasuot ng tuloyan, bahagya akong nawindang nang biglang lumuhod si Calim sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.
Mahina akong napasandal sa upuan at hinawakan ang dibdib. "Nanggugulat ka naman eh," reklamo ko.
Tumaas ang tingin niya sa'kin. "I didn't mean to," sambit niya bago ipinakita sa'kin ang isang puting tela na pahaba.
"Para ano 'yan?" kuryuso kung taong.
"Para sa kamay mo, para hindi masyadong mapagod," sagot niya.
May ganun pala?
Hindi na ako nagsalita kaya mahina niyang kinuha ang isang kamay ko at ipinatong sa hita. Dahan-dahan niyang ipinalibot ang tela, sa gitna ng hinlalaki at hintuturo ko hanggang sa maubos ito. Nanunuod lang ako sa kanya habang seryoso siya ginagawa hanggang sa isang kamay naman niya ginawa 'yun.
"Bakit ito lang 'yung suot mo kanina?" taong ko nang maalala 'yung nakita ko kanina habang nagboboxing din siya.
Mabilis siyang tumingin sa'kin. "It's bare knuckle boxing."
Tumaas ang dalawang kilay ko. Ang dami palang uri ng boxing.
Mabilis niyang natapos ang ginagawa kaya tinulongan nalang din niya ako sa pagsusuot ng gloves. "Salamat."
Agad akong tumayo nang tumayo rin siya habang tiningnan ang dalawang kamay. Bahagya nga siyang mabigat at mainit, pero okay lang naman.
"Pero teka," pigil ko kay Calim na pumepwesto na sa gitna.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
Chick-Lit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...