"Amputa! Mapagkitaan na'tin 'to!! Gumawa ka ng Youtube chanel, dali!"
"Wala akong load!"
Mariin kong kinunot ang noo nang biglang magising dahil sa usapan sa bandang gilid ko. Maging ang maingay ng patak ng ulan sa bobong.
Sobrang init ng pakiramdam ko ngunit malamig ang nararamdaman ko sa aking mga paa. Ramdam ko ring basa pa ang buhok ko habang nanunuyo naman ang aking mga lalamunan.
Sinubukan kong iangat ang kamay ngunit naibaba ko rin agad dahil sa kawalan ng lakas.
"Teka. Parang nagigising na siya." Humina ang boses na narinig ko kaya pinilit ko ang sariling imulat ang mga mata para malaman kung anong nangyayari.
Bahagyang malabo ang paligid nang una kong ibuka ang aking mga mata.
"Gising na. Teka anong gagawin nat—"
"Tumahimik ka."
Pagpapatuloy ng usapan nila ngunit pabulong na ito, kaya nakumpirma kong ako nga ang pinag-uusap nila.
Nang hindi na malabo ang nakikita, kahit walang lakas, ipinilit kong ibaling ang ulo para makita ang mga taong nag-uusap kanina at tumambol ang dibdib ko nang makitang hindi sila pamilyar maging ang lugar na kinanalagyan ko, wala akong naalala na nakapunta na ako dito.
Dalawang babae ang nasa gilid 'di kalayuan sa'kin ang nakatingin sa'kin ngayon. Ang isa ay parang kaedad ko habang mas matanda naman ang isa.
"S-sino po kayo?" Kahit masakit ang lalamunan pinilit kong magsalita.
Nagsikuhan silang dalawa nang marinig ang sinabi ko, walang balak na magsalita. Ngunit kalaunan bumuntong hininga 'yung babaeng mas matanda at inipagcross ang dalawang kamay.
"Ako si Carol. Siya naman si Tanya. Nakita ka namin sa daan kahapon nakahilata kaya dinala ka namin dito." Pagpapakilala nito bago lumingon sa katabi niya.
Nagtitigan sila na para bang may pinag-uusapan gamit ang mga mata. Ilang sandali pa mariing umiling 'yung nakakabata ngunit umirap lang 'yung nakakatanda at malakas na binawi ang cellphone na hawak nung isa.
"May tanong lang kami. At medjo..." Nagkibit balikat ito habang napakamot naman sa batok ang babaeng kaedad ko. "Sensitibo ang tanong na ito. Pero syempre kailangan mong sagutin, bilang pagpapasalamat mo na rin sa pagtulong namin sa'yon imbes na hayaan kang mamatay sa labas."
"Ate!" Naiiritang saway nung nakakabatang babae pero patuloy lang sa pagkalikot ng cellphone ang ate niya.
Mariin akong nakahawak sa hinihigaan habang kinakabahan sa tanong na sinasabi niya.
Ilang sandali pa umayos ng tayo 'yung ate at inilahad ang cellphone niya sa'kin. "Ikaw 'to diba?"
Mahina akong napasinghap habang nakatitig sa larawan kong nakacollage. 'Yung may makeup, at body shaper at 'yung totoo kong mukha.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya at nanatiling nakatitig roon sa takot na nararamdaman.
Ilang sandaling pananahimik ko, inalis na nung babae ang pagpapakita ng cellphone niya sa'kin at naglakad palapit sa hinihigaan ko at umupo para mapantay ang mukha ko.
"H'wag mo nalang sagutin. Alam kong ikaw 'yan." Ngumiti ito.
Ngunit hindi ko 'yun nagustuhan.
"Alam mo bang sikat na sikat ka na ngayon? Ang swerte namin at nakita ka. Pero mas swerte ka dahil humihinga ka pa ngayon dahil sa'min kaya malaki ang utang na loob mo sa'min. Kuha mo ba?" Tumaas ang dalawang kilay nito at ngumisi ulit.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...