"Cha, sige na!" Bahagyang hampas ni Pia sa pwet ko.
"Hindi ka sumama kahapon, sumama ka ngayon please," saad naman ni Hannah.
"Wala akong gana," ungot ko habang nakatakip ang mukha ng unan.
"So, hihiga ka lang dyan hanggang hapon? Pangit ng trip mo!" iritang saad ni Hannah. "Dali na!"
Mariin akong napapikit bago inalis ang pagkakatakip ng unan sa mukha at nagtatampong tumingin sa kanila.
"Ayan! Sasama na 'yan! Sasama na 'yan!" They chanted then threw my outfit to me.
"Hay..." tinatamad kung anas bago naglakad papasok sa banyo. Dahil dun masaya nagdiwang ang dalawa na para bang napakalaking bagay na nun, kaya napailing nalang ako bago sinara ang pinto.
Today is Sunday, nakasanayan na namin 'tong apat kasama si Kuya na maggym tuwing weekend. At dahil nagsara 'yung gym na malapit sa amin. Sa gym nalang kami na gusto ni Kuya.
Napatitig ako sa sarili nang matapat ang salamin.
I still can't forget what happened that Friday afternoon. Like what I told, i finished it. I stayed in that suffocating photoshoot. At hindi ko sinunod ang gusto ng isip kung tumakbo palayo ng gusaling 'yun, sa halip ipinakita ko sa kanilang palaban ako, kahit na hindi naman talaga.
The photographer still isn't please with my performance. Halos inilagay na nga niya ako sa likod para matago ang mataba kung katawan. At mas lalo pa siyang nastress nung solo photoshoot. Hindi na niya alam kung anong gagawin sa'kin.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang mura at pangmamaliit ang naibato niya sa'kin habang nagshoshoot. Pinilit kung hindi magpaapekto habang naroon ngunit nung pag-uwi ko parang bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Parang naubos ang lahat ng lakas ko na para bang sobrang bigat at nakakapagod ang ginawa ko sa araw na 'yun at hindi ang tanging pagpoposing lang. Kaya hindi ako sumama kina Pia kinaumagahan dahil gustong-gusto ko lang talagang magmukmok. Hanggang ngayon din sana, pero hindi na nila ako pinigilan kaya bahala na. Tsaka 'yung mga masasakit na salitang ibinato lang rin naman sa'kin ang maiisip ko kapag magmukmok ako kaya mabuting maggym nalang, nakakaganda pa ng katawan 'yun at nakakawala ng stress.
Suot ang leggings, sports bra na tinabunan ko ng lose at mahabang damit. Lumabas ako ng banyo para harapin sila na naghihintay sa'kin.
Isinuot ko ang rubber shoes bago sinuklay ang buhok saka binitbit ang isang sling bag na may gamit na kakailanganin ko mamaya.
"Tara?" aya ko.
"Dapat lang, kanina pa naghihintay si Kuya sa baba. Ang tagal mo kasing bumangon eh!" reklamo ni Pia.
Natawa ako at nagpeace sign sa kanya bago umuna sa paglabas ng silid saka bumaba.
At nandun na nga si Kuya sa sasakyan niya naghihintay sa'min. Mabuti nalang at mahaba pala ang pasenya ni Kuya, hindi ito nagalit pagkarating namin.
Agad lang nitong pinaandar ang sasakyan at sinimulan ng imaneho.
"Teka. Sa University ba ang punta natin?" naguguluhan kung tanong nang makitang dun ang daang tinatahak ng sasakyan.
"Sa gym. Naalala mo? 'Yung gym sa harap ng University," paalala ni Hannah sa'kin.
Bahagya akong natigil.
"Kay Calim..." anas ko at mahinang napalunok.
Pero agad ko ring pinawala ang takot sa isipan. Tsaka wala naman na 'yung eskinita eh.
"Kilala mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Hannah.
"Ah. Oo. Diba siya 'yung nagligtas sa'kin..."
Agad na tumango si Hannah. "Mabuti naman at naalala mo na. Hinanap ka niya kahapon," imporma niya kaya napatigil ulit.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...