"I-ikaw?" bulong ko habang nakatitig sa kanya.
"Narito na po ang order niyo ma'am. Enjoy." Natigil ako sa pagkatitig sa kanya at maagap na ngumiti sa isang crew habang inilalapag nito ang mga pagkain. "Salamat," maligaya kung saad kahit na medjo nawala ang pagkagutom ko dahil sa naalala tungkol kay Calim.
Tumitig ako sa pagkain bago bumaling sa labas ng may maalala ulit. Sa harap lang ng school nangyari 'yun eh. Tsaka sa may eskinita, pinasadahan ko ng tingin ang paligid para mahanap 'yung eskinita pero wala na akong nakita. Siguro dahil nasa banda kami kung saan likuran ang matatanaw? Pero...ilang beses naman akong dumaan dito pero 'di na naalalang may nadaanan akong eskinita.
"Lalamig na ang pagkain mo."
Natigil ako sa pagmamasid sa labas at bumaling kay Calim bago sa pagkain ko. Gamit ang tinidor kumuha ako ng maliit na bahagi ng chicken bago kumuha ng kanin saka isinubo. Habang 'di pa rin matigil sa pag-iisip kung saan bang banda ang eskinitang 'yun.
"Naalala ko lang," hindi ko mapigilang saad kay Calim. "Diba...Ano, sa eskinita 'yun nangyari?"
"Have you ever told to stop reminiscing the past because it will just trigger your trauma?" suplado nitong saad.
Napangiwi ako. "Nasabihan naman. Pero curious ako eh! Tsaka," bahagya kong kinapa ang dibdib. "Wala naman na akong naramdamang takot."
"Tsaka, pano mo nalamang may nangyayari na sa loob ng eskinitang 'yun?" hindi ko rin mapigilang tanong.
Bahagya siyang napahawak sa taas ng kanyang ilong bago tumingin sa'kin saka sa labas.
Nakatitig lang ako sa kanya, naghihintay ng sasabihin niya. Nang itinaas nito ang braso at itinuro ang isang malaking gusali, ilang metro lang ang layo dito sa pinagkainan namin.
"That's my gym," saad niya kaya napabaling ako sa kanya.
"My? Pag-aari mo?" gulantang kong tanong.
Bahagya itong tumingin sa'kin bago tumango.
Agad naman akong napapalakpak dahil sa pagkamangha.
Nakita kong iniba niya ang deriksyon ng kamay sa pagkakaturo kaya sinundan ko 'yun at napunta sa isa pang gusali ulit pero maliit lang. "Ano 'yan? Gym mo ulit?"
"Tss. C.R," pagtatama niya.
"Ahhh! 'Yung Public Toilet!" sabi ko bilang reyalisasyon. "Pero pano nangyari 'yun? Dyan banda 'yung eskinita diba? Bakit parang nawala?" Sunod-sunod kung tanong habang mariing sinisilip pa at baka natabunan lang ng C.R 'yun. Pero wala talaga eh.
"Pinalitan," sagot niya. Kunot noo akong bumbaling sa kanya.
"Ahhh! You mean, 'yung eskinita pinalitan ng Public Toilet?" pagtitiyak ko.
"Tss. You don't have to repeat it."
Napanguso ako. "Sinisigurado ko lang."
"You talk so much," pansin niya kaya agad akong napaurong sa upuan.
"Oo nga eh," bulong ko habang hinahawakan ang labi. Hindi naman ako ganito noon eh! Mahiyain ako at mahinhin. Dalagang Filipina ako eh!
"That's good," dagdag pa niya habang bahagyang tumataas ang gilid ng labi.
Ngumiti ako bago bumaling ulit sa Public Toilet.
"Bakit pinalitan? Siguradong malaki ang gastos nun. Ikaw ba ang nagpapalit?" baling ko sa kanya.
Tumango ito.
"Bakit?" kuryuso kong tanong.
"I have female staffs and clients. Ayokong mangyari ulit 'yung nangyari sa'yo, " sagot niya.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...