"Ano kayang masarap lutuin ngayon?" tanong ko sa sarili nang makarating sa bahay.
Napakunot ang noo nang makitang may nakaparadang sasakyan sa lugar na lagi ko pinaparadahan. Kaya naghanap nalang ako ng ibang pwesto at nangungunot ang noong lumabas ng sasakyan.
Nandito si Kuya?
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang sa kanya nga 'yun, sana naman nagluto siya.
Naglalakad na ako papasok ng bahay nang mahagip sa mata ko ang isang kotseng nakaparada sa kabilang gilid.
Mariin akong napatitig sa sasakyan habang iniisip kung saan ko 'to nakita.
Pamilyar kasi.
Isa yata sa kaibigan ni Kuya.
Nagkibit balikat ako at ipinagsawalang bahala ang pagiging pamilyar nun.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad palapit sa bahay nang bahagya kong masilip ang loob dahil bahagyang nakabukas ang pinto.
May lalaking nakatalikod dun.
Mas lalo akong sumilip para malaman kung sino 'yun nakatalikod kasi at hindi naman si Kuya, kilala ko kasi ang tindig ni Kuya.
Nangungunot ang noo ko habang pilit kinakilala ang lalaki 'yun hanggang sa bahagya siyang tumagilid.
Dahil run nakita ko ang side profile niya.
Nanlaki ang mata ko at natatarantang napaatras.
Si Calim!!
Nang nagtangka siyang humarap sa banda ako ay bumilis ang pag-atras ko at bumalik sa sasakyan.
Para makasigurong hindi niya ako makikita, minaneho ko palabas at paalis ulit ng bahay ang sasakyan.
Nagugutom na ako pero bahala na, ang importante hindi mapunta sa nakakailang sa sitwasyon.
Napabuntong hininga ako.
Naguiguilty na ako sa ginagawa ko.
Para kasing bigla kong iniwan sa ere si Calim. Simula kasi nung nangyari kay Maddox at Zalia, hindi ko na siya nirereplyan. At hindi na rin ako naggygym para talaga makaiwas sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiwas sa kanya basta ang nararamdaman ko lang ay takot. Siguro takot na pumasok sa bagay na hindi ko alam. At siguro takot akong masaktan kasi kahit na ipangako mo pa na hinding-hindi mo magagawang saktan ang isang tao, darating talaga ang panahon na hindi mo masasadyang baliin 'yun. Kagabi nagbabasa ako ng isang article tungkol sa pagsasabak sa isang relasyon. Sabi dun, hindi raw kasi natin alam kong anong mangyayari sa hinaharap. Madaling magbitaw ng salita dahil hindi naman natin alam ang kinahihinatnan nito. Saka mo palang maiisip na hindi mo pala kayang panindigan 'yun pag nasa isang sitwasyon ka na.
Kaya dun ko naisip na, kahit ano pang pangako ang ginawa mo. Kapag mahaharap ka na sa isang alanganin, maaaring hindi mo masasadyang baliin ang pangako o talagang sadyain mong baliin 'yun. Kaya ang kinalabasan, may mga taong masasadya o 'di mo masasadyang masaktan. Iyon ang sitwasyon nila Maddox, hindi ko alam kung ano talagang meron sa kanila. Nakakalito ang sitwasyon nila, kahapon kasi sinubukan ko silang sundan. Nung una parang ayos naman na sila. Nanood pa nga sila ng sine nun pero nung lumabas si Maddox nang hindi kasama si Zalia, tapos ilang oras din lumabas si Zalia na may kasamang ibang lalaki. Dun na ako talagang nalito, gustong-gusto kong magtanong kong ano ba talaga ang totoong ganap sa kanila pero natatakot akong malaman ang totoo dahil baka hindi ko kayanin 'yun. Kaya mas pinili ko nalang na h'wag silang paki alaman, hindi ko sinunod 'yung sinabi ni Tita Mera na bantayan si Maddox.
Kaya tuloy pati si Calim nadadamay, sobrang laking takot ang idinulot sakin ng nangyayari kina Maddox at Zalia, at hindi ko maisip ang sarili ko sa ganong sitwasyon. Ayaw kong malagay sa alanganin, mas lalong ayaw kong masaktan.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...