Dahil nakalugay, malakas na inililipad ng malamig na hangin ang buhok ko na mas lalong nagpalamig ng pakiramdam ko habang nakatayo sa tapat ng sinasabing Funeral Home nung guard.
Kailangan ko pang tumawid ng daan bago makapasok dun ngunit habang nakatingin palang ako sa mga kandila at puting bulaklak na ibenebenta sa gilid nun, nanlulumo na ako. Parang biglang nawalan ng lakas ang tuhod at buong katawan ko.Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang katotohanang...wala na si Maddox.
Mariin kung pinagtagpo ang labi at pumikit ng nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko.
Iniyukom ko ang dalawang kamay at bumuga ulit.
"Kaya mo 'yan." Bulong ko sa sarili habang nakapikit bago inimulat ang mata para hintaying maging pula ang kulay ng traffic light.
At nang naging pula na nga ito, para kung binubuhat ang sarili sa bigat ng nararamdaman. Ang bigat ng bawat hakbang ko, parang nasesemento ang mga paa ko, mas lalo na nang tuloyan na akong makapasok sa loob ng punirarya.
Sa lobby palang ramdam na ramdam ko na ang lungkot kaya mas lalong lumamig ang tiyan ko at para bang may mabigat bagay ang pumatong sa mga balikat.
Pigil hininga kong inilibot ang tingin sa mga pintuan ng bawat silid para hanapin ang katulad ng nakasulat sa address na ibinigay ng guard.
Nang makita ko ito, ilang beses pa ulit akong mabigat na napabuntong hininga bago matapang na inihakbang ang mga paa palapit sa pintuang nasa harapan.
Mas lumukob ang malamig na bagay ang tiyan ko nang hinawakan ko na ang seradora ng pinto.
Mariin kung kinagat ang labi bago tuloyang tinulak ang pintuan hanggang sa bumungad sa'kin ang maliwanag na lugar.
Malawak ang lugar, maraming upuan ngunit kukunti lang ang naroon, maraming bulaklak at ang mas lalong nagpakuha ng atensyon ko. Ang bagay na nasa harapan.
Maraming bulaklak at iba't-ibang klase ng ilaw sa paligid ng isang pahabang puting bagay.
Inilipat ko ang tingin sa gilid nun at parang tuloyan na talagang nawalan ng lakas nang makita ang nakangiting larawan ni Maddox roon.
Malakas akong napasandal sa pinto na gumawa ng ingay habang nakatitig pa rin sa larawan ni Maddox.
"Cha." Rinig kong tawag ng ilang pinsan na nakuha siguro ang atensyon nila nang sumandal ako sa pinto.
Galing sa gilid ng mata ko, nakita kong may nagsitayuan ngunit patuloy lang ang tingin kong nakasentro sa harap.
"Chariz." May lumapit sa'kin at niyakap ako kaya nakuha nila ang atensyon ko.
Nasalubong ko ang malulungkot na mata nina Pia at iba ko pang mga pinsan habang mariin naman akong niyakap ni Hannah.
Walang lakas kung itinaas ang kamay at itinuro ang bagay na nasa harapan.
"S-si...Maddox..." parang bulong kong saad.
Umiling si Pia at yumuko habang bumuntong hininga naman ang iba.
Napakagat ulit ako sa labi habang sobrang bigat na ng damdamin. "Bakit?" pabulong kong saad.
Tanging yakap nalang ni Hannah ang sumusuporta sa'kin dahil gusto ng sumuko ng tuhod ko dahil tuloyan na talaga itong nawalan ng lakas.
Gusto kong makita si Maddox ngunit ayaw makisama ng katawan ko. Isa pa...naduduwag ako. Pakiramdam ko kasi buhay na buhay pa si Maddox, parang wala siya sa bagay na nasa harap. Parang nandun lang ulit siya sa favorite ice cream shop namin, naghihintay sa'kin kasi sabay naming titingnan si Zalia. Parang ilang minuto mula ngayon, tatawag siya kasi ang tagal kong dumating o di kaya susunduin niya nalang ako. Parang ilang sandali lang ngayon, sasamahan niya akong mamili ng gamot sa sugat dahil nasangkot na naman sa ayaw si Kuya.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
Genç Kız Edebiyatı"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...