"Hi! Nasan si Calim?" tanong ko kay Yuna, siya lang kasi ang tanging nakita ko nang makapasok sa gym. Wala pang naggygym tsaka wala rin si Calim na nagtratraining.
Tumigil siya sa pagcecellphone at natitig sa'kin ilang sandali, bahagyang tumaas ang kilay niya. "Umalis," sagot niya at bumalik ulit sa pagcecellphone.
"Talaga?" Kumunot ang noo ko, may usapan kami kahapon ah.
Pero eight palang naman, nine niya daw ako susunduin, kaya baka may pinuntahan muna?
Bahagya akong napakamot ng ulo at naghanap ng mauupuan. Dapat talaga hinintay ko nalang siyang sunduin ako.
"Ano pang ginagawa mo dito?" baling ulit ni Yuna sa'kin nang umupo ako at tuluyan na talaga akong pinagtaasan ng kilay.
"Ah..." Naiilang kong binasa ang labi. "Hihintayin ko nalang siya dito, may lakad kasi kami ngayon," paliwanag ko.
Kumunot ang noo niya at parang nainis. "May laka—"
"Riz." Napatigil siya sa pagsasalita at sabay kaming napabaling sa bandang may elevator.
Nagulat ako ng makitang kakalabas lang ni Calim dun at naglalakad palapit sa'kin.
"Hi," bati ko. "Akala ko umalis ka..." saad ko at hinintay siyang makalapit sa'kin.
Tumaas ang dalawang kilay niya.
"Calim." Sabay naman kaming dalawa na napabaling kay Yuna. "Tara na?" aya nito.
Mas lalong napakunot ang noo ko at bahagyang tiningnan ang suot niya. Ngayon ko lang napansin na nakabihis din pala siya ng panglakad.
"Where are we—"
"Diba may lakad tayo ngayon? Kasama ang mga bata?" putol niya sa sasabihin ni Calim.
"We have none," sagot ni Calim.
Lumaki ang mata ni Yuna. "We have! Ano ka ba, kailan ka pa naging makakalimutin hmm?" Natatawa niyang saad, pero pakiramdam ko pilit lang 'yun.
"Yuna, what are you talking about?" walang ganang tanong ni Calim.
Naguguluhan akong nagpalipat-lipat ng mga tingin sa kanila.
Kumunot ang noo ni Yuna at tumitig kay Calim na para bang may pinaparating.
Ilang sandali napairap ito bago mabilis akong tinapunan ng tingin."H'wag na nga lang!" Irita niyang saad at padabog na naglakad palayo.
Nangunot ang noo ko habang pinapanuod siyang malalaki ang yapak paalis.
Anong nangyari sa kanya?
"Nagalit na tuloy sa'yo. Ano ba 'yung usapan niyo? May lakad kayo?" baling ko kay Calim.
Inilagay niya ang isang kamay sa kanyang bulsa at marahang hinawakan ang braso ko gamit ang kaliwang kamay. "Don't mind her. Let's go?" aya niya.
Masuri ko siyang tiningnan. Ngunit kalaunan ay bumuntong hininga nalang ako at tumango para makaalis na kami.
Wala akong alam tungkol sa kanila kaya hindi dapat ako makialam. Buhay na nila 'yun.
"Why did you come here, I should be fetching you."
"May pinuntahan kasi si Kuya kaya sumabay na rin ako, tsaka nakakahiya rin na palagi mo akong sinusundo," sagot ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.
"Ah..your brother," mahinang tangis niya. "I'm gonna kill him." Pinasadahan niya ang kanyang buhok ng mga daliri niya.
Mabilis akong napabaling sa kanya. "Ha? Bakit?"
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...