CHAPTER 25

61 3 1
                                    

Nilalaro ko ang mga daliri habang hindi pa rin mawala sa isipan ang nangyari kahapon.

Mag-isa lang ulit ako sa bahay, wala pa rin sina Mama at Papa. Tsaka naggrocery si Nanay Teresita.

Humiga ako sa sofa at walang ganang napabuntong hininga.

Kahit na alam kung ako pa rin naman 'yung nasa picture. Hindi ko pa rin mapigilang malungkot, na marinig ang mga salitang 'yun galing sa isang taong humahanga sa'kin—sa litrato ko.

Tsaka nakakahiya rin. Unang beses kong maging matapang na mag first move tapos ganun pa ang kinalabasan.

Masyado lang talaga siguro akong haggard kahapon tsaka walang ligo rin kaya hindi nila ako namukhaan.

Mabigat akong bumuga ng hininga.

Kahit anong gawin kung pagpapalubag ng loob, hindi ko pa rin mapigilang maapektuhan sa mga salitang 'yun.

Mariin kung tinabonan ang mukha.

Kailangan ko na rin atang sanayin ang sarili ko sa mga posibleng masasakit na salita lalo pa't kalat na sa halos buong bansa ang pagkapanalo namin. Kaya posibleng mas madami pang kirtisismo ang matatanggap ko.

Ngayon ko lang naisip na hindi pala ako handa sa bagay na ito. Masyado akong nagpadalos-dalos sa mga desisyon.

Napahugot ako ng hininga at napabalikwas galing sa pagkakahiga nang may biglang bumukas ng pinto at sunod-sunod na pumasok sa bahay.

"Cha!!" tawag ni Pia habang nakatingin sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid ko.

Napabuga ako ng hininga dahil sila lang pala, at bumalik sa pagkakahiga.

"Nandito ako," tawag ko sa kanila at isiningaw ang ulo para makita nila.

Agad ko namang nakuha ang pansin nila.

Maliit akong ngumiti nang makarating sila malapit sa'kin habang hindi pa rin bumabangon sa pagkakahiga.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" dungaw ni Hannah sa'kin.

Sumunod naman sa pagkakadungaw si Pia bago umupo sa espasyong malapit sa tiyan ko.

"Eh bakit naman ganyan ang itsura niyo?" tanong ko pabalik nang makitang nakaleggings at sports bra lang sila.

"Tara. Gym tayo!" aya ni Pia.

Nanigas ako.

"Saan?"

"Kina Calim! Saan pa ba, mabuti nga 'yun para makita mo siya. Yiee!" Malaking ngiti na saad ni Hannah.

Napanguso ako at hindi nasabayaan ang kilig niya.

"Uh...kayo nalang muna." Mahina kung tanggi.

"Huh?! Bakit?!" Agad na reklamo ni Hannah at umupo sa sahig na kaharap ko.

Patago akong ngumuso, mariing iniisip kung sasabihin ko ba sa kanilang iniiwasan ko si Calim.

Kasalanan talaga 'to ni Maddox eh!

Nakakainis siya.

Kung kailan, naging idolo ko na siya sa kategoryang relasyon. Saka pa siya naging gago.

Pero sabi nga ng ibang pinsan ko, hindi naman namin siya masisi kung ganun nga ang nangyari. Hindi rin naman siya perpekto eh.

Malakas akong napabuga ng hininga. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako para kay Zalia. Pero, kapag naalala ko 'yung nangyaring paglabas ni Zalia sa sinehan kasama ang ibang lalaki, bigla kung nakwekwestyun ang sarili kung kay Zalia ba dapat ako masaktan. Pano naman kaya si Maddox?

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon